Chapter 59

287 10 2
                                    

Chapter 59
Dinner

"Hey..."

Hinagilap ni Travis ang aking kamay. Napatingin ako sa kanya.

"I'm sorry... I know you're nervous,"

Ngumiti ako pero pilit lamang iyon dahil tama siya. Kabadong-kabado ako. But of course I won't tell him that. I need to at least equal his braveness.

"I'm fine, Travis. Don't worry about me." I flashed a small smile again.

Bumuntong-hininga siya at hinalikan ang aking balikat. "I actually don't wanna do this, too, but I need to. I promised your mom that I'll fix this. And my mother needs to know. Don't worry, I will never leave your side,"

Ngumiti ako, ngayon, bukal na sa aking loob. Alam na alam niya talaga kung paano ako panatagin.

We're on our way to their mansion. Hindi malinaw sa akin kung sino ang nag-arrange ng dinner. Kung si Travis ba o ang Mama niya. Ayaw ko na lang ding alamin dahil baka mabigo lang ako. Ang alam ko lang ngayon ay ime-meet namin ang kanyang ina at sasabihin naming magpapakasal na kami. I don't want to overthink on that part anymore. Kung tututol siya (which is most likely to happen), wala na akong magagawa. I will respect her decision but I will still marry her son.

Kanina sa condo ay hindi na mapakali si Mommy. Baka kung pwede lang na sumama siya ay sasama talaga siya. She's that worried for me when in fact, she asked for this. But it's fine. I understand her point. And I need to do this to honor Travis' family.

Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay natanaw ko na ang kanilang enggrandeng mansyon sa 'di kalayuan. Its classic vibes doesn't fail to mesmerize me. Taon na ang lumipas mula nang huli akong umapak dito kaya naman naninibago ako. Or maybe not. Kasi dati, kahit lagi akong pumupunta rito ay laging parang unang beses ko pa rin kung mamangha ako.

A uniformed and armed guard opened the gate for us. Pagkatapos ay tuloy-tuloy ng pumasok ang sasakyan sa loob ng compound.

Kahit gabi ay hindi nabigo ang mga mata kong mamangha sa tanawin sa aking harap. The Italian mansion is well-lit with yellow lights, making it appear more magnificent and mysterious. Halos wala itong pagbabago. Kung meron man ay sa mabuting paraan at hindi sa ikasasama nito.

Tumigil ang sasakyan sa mismong harap ng mansyon. Ang manghang nararamdaman ko kanina ay panadalian lang dahil ngayon, para akong aatakihin sa puso sa lakas ng kalabog nito.

"We're here,"

Unang lumabas si Travis sa sasakyan.
He then offered his hand for me. Wala sa sarili ko iyong tinanggap.

Halos wala akong lakas na bumaba ng sasakyan at kung hindi niya lang hawak ang kamay ko'y baka kanina pa ako bumagsak. My knees are already wobbling that I just want to back down.

Napatingin ako sa kanya nang mapansing nakatitig siya sa akin. As much as possible, I don't want to look at his eyes. Baka pa makita niya ang tunay kong nararamdaman. But who am I kidding? Even without looking at me, I know he knows everything about me.

Bumuntong-hininga siya at kinain ang distansya sa pagitan namin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa aking noo. Both his hands rested on my waist.

"Don't be afraid. I got you,"

Tiningala ko siya at nginitian. "I know,"

Hinarap ko ang kanilang bulwagan. I suddenly feel brave. Wala na akong pakialam kung mainsulto man ako ngayong gabi. What's important is that I get to do this for him. For him.

He crouched to reach my ear. "Let's go,"

Tumango ako at nagpatianod na sa kanyang marahang hila. Wearing a white ruffled off shoulder dress and a black sandals, we passed through their grand double doors. Gaya ng dati ay nakalinya ang kanilang mga unipormadong kasambahay sa paanan para salubungin kami. Their not-so-friendly looking mayordoma led us to their dining are.

Against All Odds (Playboy Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz