Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko sa paglalakad. They are trembling. Pero kung gaano kabigat ang mga paa ko ay ganoon naman kagaan ang loob ko. But it's not a good feeling. Sa sobrang kaba ko ay pakiramdam ko'y lumulutang na lamang ako.

The whole house is silent. Wala kang maririnig na kahit anong ingay. Pakiramdam ko tuloy ay naririnig ni Travis ang malakas na kalabog ng puso ko.

Nang makapasok sa dining area ay humigpit ang hawak ni Travis sa aking baywang. Isang pasada ng tingin sa mga naroon ay nalaman ko kung bakit.

Seated on the Chairwoman's right is Elaine sporting an annoyed look at me. Hindi niya talaga itinago ang nararamdaman niya kahit katabi ko lang si Travis. She is really showing it.
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit narito siya. Oh. Hindi ko na pala dapat kinukuwestiyon iyan.

Ang Mama ni Travis na nasa kabisera ay ni hindi man lang kami nilingon. She remained sipping on her wine. I tried my best not to look at her again or I might just ask Travis to just drive me home.

Nang makabawi si Travis ay inakay niya ako patungo sa kaliwang bahagi ng dining table. He pulled a chair for me. Nagkatinginan kami ni Elaine at nakita kong dumaan ang sakit sa kanyang ekspresyon. Nag-iwas siya ng tingin.

Naupo sa aking tabi si Travis, tapat lamang ni Elaine at sa isang tabi ay ang kabisera kung nasaan si Mrs. Zendejas. I got bothered because he did not go to his mom to kiss him. Lagi niya iyong ginagawa dati.

Walang nanghamak na magsalita. I am even trying to hold my breath just so I couldn't create any noise. I can't believe the tension is this intense.

Saka lang nagka-ingay nang makarinig ako ng mga yapak galing kung saan. Bago pa ako makapagtanong sa aking isipan kung sino iyon ay nasagot na nang magtungo si Trevor sa kanilang Mama upang humalik.

My lips parted in amusement. I have never seen him, too, for years and seeing him right now shook me to the core. Hindi ko na napigilang suriin siya.

I noticed that he got taller, too. His body, like Travis, also matured a lot and it can be seen even when he's wearing a long sleeve folded till his elbows and a dark slacks. Nang humarap siya sa amin ay natanto kong sobrang laki ng ipinagbago niya.

The slight dusting of his stubble made him look more mysterious and darker. Or maybe not. Basta. There is something in him that changed and made him darkly handsome. Back then, he seems so outgoing but right now, as I look at his eyes, I feel like he has become reserved and unfriendly. That's what I thought by judging the way he looks. Pero nang palakaibigan siyang ngumiti sa akin ay napatunayan kong nagkamali ako.

"Good evening, Yani. It's been a while," he greeted in a low voice.

Hindi ko na napigilan ang ngumiti. "Good evening. I know,"

Pansamantala kong nakalimutan ang kabang nararamdaman. I mean, I treated Trevor somehow as a friend so seeing him right now really feels good! Ibinabalik ako sa nakaraan kung kailan maayos pa ang lahat.

Tumikhim si Travis kaya napabaling ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. Kinunotan ko naman siya ng noo. Then I heard Trevor chuckle. Muli ko siyang nilingon. Naabutan ko siyang mapang-asar ang tingin sa kapatid.

"Chill, brother," then he went to the seat beside Elaine.

Umawang ang labi ko at napatingin kay Travis na nag-iwas ng tingin sa akin. The hell? Is he jealous? E pakakasalan ko na nga siya! This man, really.

Nang makaupo si Trevor ay tumikhim ang kanilang Mama.

"Let's eat first," maotoridad niyang sabi.

Nagkatinginan kami at halos manlamig ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Yumuko ako at pinisil-pisil ang mga daliri. Wala. Wala pa rin talaga. Tanggap ko naman pero aminado akong masakit.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now