Chapter 24: Surprise Visitors

Beginne am Anfang
                                        

May mga pagkakataon pang biglang bumagal tapos bumilis ang takbo ng heart rate niya sa ECG na talagang weird.

Pati rin pulso niya ay normal nang mahawakan ko ito. Siguro may sayad na rin ang ginagamit naming ECG.

"Ok Issei," nakangiti niyang saad at bigla na lang sinaksak ang bibig ko sa hawak kong dorayaki cake. I flinched and bite the part of it.

"Mom naman, eh!" I flustered and put the food on the plate. "Bakit mo naman ginawa 'yon? I'm just giving you some beauty advice."

"Binibiro lang kita Issei," natatawang saad naman ni mom at inabutan na ako ng gatas, "talak ka nang talak d'yan sa beauty tips na 'yan, eh. Darating naman ang araw na lalamunin na tayo ng lupa."

"Heh!" Bulalas ko't napahablot na rin ng isa pang dorayaki cake. "'Di porke't binigyan kita ng bagong hairstyle last week ay sasabihin mo na sa'kin ang bagay na 'yan. Though walang forever sa mundo."

"Totoo 'yong sinasabi ko Issei."

Epekto yata ito sa ginawa kong konting makeover sa kanya. Medyo mahaba na rin kasi ang buhok ni mom, kaya naman napagdesisyunan kong bigyan ko ng pixie cut na talagang bumagay sa kanya. I even dyed her hair into chestnut brown that suits her warm skin tone.

Ngayon naman ay aasarin niya ako ng ganito habang binabantayan namin si Zenrie. Kung nandito lang ang babaeng 'to sa tunay na consciousness ay malamang kanina pa niya ako inaasar. Mas grabe kasi siya kung mangtusta sa bawat salitang bibitawan niya.

In short, nakakatakot siya lalo na kapag nagalit gaya ng sinabi ko noong nakaraan.

"Oh! Alam mo na pala, eh." Pabirong saad naman ni mom at nakisabay na rin sa'kin sa meryenda. Hindi ko talaga maiwasang mapatingin sa kanya dahil sa makeover.

"Syempre naman mom. It's even a fact that some people don't believed in. Tapos mag-e-experiment na kung saan gusto nilang maging immortal and all," iling ko't dumukot ulit ng isa pang dorayaki cake.

"Absolutely. Tapos may AI pa sa virtual world ngayon na pakiramdam niya ay parang diyosa. Anong akala niya sa sarili niya isang magaling na administrator?"

Bigla na lang nabalot ng katahimikan sa kuwarto ni Zenrie dahil sa mga banat na 'yon. Kahit 'yon ang totoo, may iba pa ring ayaw maniwala dahil sa ganito at sa ganyan. Sa totoo lang may ang sarap hambalusin ng dictionary ang gumagawa ng kalokohang 'to.

"Sinabi mo pa mom," patangong saad ko sa kanya.

Speaking of her new look or glow up, she looked up 5 years younger honestly. Habang nakatingin din ako sa kanya ay naaalala ko na naman si Tita Haruka. Siyempre kambal sila ni mom at mas malala pa'y magkamukha pa.

Sa ugali nga lang ang may grabeng reciprocals sa buhay ko. Hay naku!

"Nga pala Issei," mom paused for a moment to take a glimpse. "Kumusta pala sila Zenrie ngayon sa virtal world? Alam mo namang nakakabahala na rin ang nangyaring incident."

Bigla ko na namang naalala ang araw na nag-uusap kami ni Zenrie last week. Sa pagkakataong 'yon ay may napansin din ako sa kanyang kakaiba habang kaharap ko siya sa screen. Mistulang mas nag-glow up pa nga at hindi ko alam kung anong ginagawa niyang routine. Iba rin talaga ang nagagawa ng virtual world systems eh.

Sinabi niya rin sa'kin ang kalagayan ng virtual world noong intramurals nila. Wala ngang Zeitsus Split na nagaganap, pero nababahala pa rin siya sa mga nangyayari at nagpatuloy pa rin sa pagkalap ng impormasyon.

Class Code: ERRORWo Geschichten leben. Entdecke jetzt