Ngayon, talagang mapapasubo ulit ako sa mga kakaibang sword skill niya kahit pawang basic lang ang ginagamit niya. Bakit din kaya hindi niya ginagamit ang kanyang ability?
Not just she's mysterious, she's a living book with different codes where no one could ever try to decode. Maybe there's someone, but it's kinda rare.
Habang nasa countdown pa ang timer, agad siyang nag-iba ng kanyang sword player stance na minsan ko nang nakita noong sinubukan niya ang kanyang espada dati. Yet, her cold glare remained and she's ready to slash you in no time. Sa aura niya, masasabi mong handang-handa siyang labanan ka kahit na anong mangyari.
As the countdown strikes to zero, both of us attacked and clashed our swords. It creates a mild shock wave in the arena that caused some other people's hair to flow in the air. Malapit na ngang matangay ang hawak na banner ng beta testers at ng mga kinabibilangang college department namin.
Nagkapalitan kami ng atake sa bawat indak at pagtalon ng aming mga binti. Nang subukan kong iwasiwas ang espada ko sa kaliwa ay nahagip naman ang iilang hibla ng kanyang buhok at kaliwang pisngi rito. Isang puntos na 'yon sa konting bawas sa HP niya.
Pero hindi rin dapat ako maging kampante.
Umikot siya papunta sa likod ko at sinugatan ang aking kaliwang braso at likod na nagtamo naman ng malaking bawas sa aking HP. Tokwa! Hindi na naman ako naging mapagmasid sa paligid ko. Napakabilis niya!
"Masyado kang mailap Zenrie!" I grunted and clashed my sword with hers.
Muli na namang nagkrus ang aming mga espada na nagkaroon naman ng isa pang target lock. Kasabay na rin n'on ang pagtama ng aming mga paningin. Muli ko na namang nasilayan ang mga naglalagablab niyang mga matang kasingkulay ng langit sa gabi. Kakaiba talaga siya sa oras na mapapasabak siya sa labanan.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakaharap ka ng isang mabagal na kalaban, Zoiren," aniya't muling ipinakita sa'kin ang isang kakaibang ngiti.
She smirked with the essence of a courageous and undefeated warrior. Ito rin ang nakita ko sa kaniya noong nakipaglaban siya kay Diya at maliban doon ay kasama na ang mga labanang kinakaharap namin.
Habang pinagmamasdan ko ang mga ngiti niya, bigla na namang tumatak sa aking isipan ang ngiti ng kakaibang nilalang na nakita ko sa bintana kagabi. Mistula siyang isang alaalang nagparamdam na naman sa aking isipan habang nakatingin ako kay Zenrie. Sa totoo lang, para yatang nakikikopya yata ang nilalang na 'yon sa ngiti niya, puwera na lang sa mga asul na mata niya.
Sa madaling salita, wala siyang originality. Smirk pa nga.
"Kaya sa lahat ng pagkakataon, magfocus ka't may backup move ka dapat. Huwag mong hahayaang makuha nila ang blind spot mo!" dagdag naman niya't diniin pa ang dalawang nagkadikit na espada sa akin.
Kakaiba rin siya. May tips pa siyang nalalaman habang nasa gitna kami ng tournament.
"Talagang gagawin ko 'yan," mahinang saad ko't ipinakita ang ngiti ng isang determinadong mandirigma.
Palihim naman akong nakatingin sa kanang paa niyang papalapit sa'kin na agad kong inapakan.
Napailing si Zenrie sa sakit at kumalas sa lock na ginawa niya. Habang nawawalan siya ng balanse, ito naman ang naging pagkakataon ko upang gamitin ang aking basic sword slash combo.
My sword illuminates in scarlet again and slashed her five times. Everything happens in just a blink of an eye after it creates a thick explosion. Dahil doon ay mas nag-ingay pa ang mga kasamahan ko sa kinabibilangang college department at ganoon na rin ang iba pang beta testers.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 23: Final Round
Start from the beginning
