Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

"Magfocus ka!" paalala naman niya sa walang emosyon na boses.

Anak ng tokwang tinapa! Parang mas bumibilis pa ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga salita niya.

"Malay ko ba kung hindi ko 'yon nakita?" reklamo ko. Agad akong tumayo nang maayos at muling nagpalitan ng atake kay Zenrie.

Muli akong umatake at nakipagpalitan ng atake sa kaniya. Sangga rito, sangga roon. Nag-uunahan na naman ang aming mga espada sa kung sino ang makakatama ulit. Tumatakbo rin ang oras at kailangan ko na ring matamaan siya kahit konting daplis niya.

Nang naiwasiwas niya ang kaniyang espada sa kaliwa, nakagawa agad ako ng tiyempong. I bend for almost 60 degrees in angle and a hard kick on her hip followed. Napailing siya sa kirot at iyon ang naging tiyansa ko upang gamitin ang isa sa aking mga basic sword skill.

My sword illuminates in scarlet as I swing my sword five times until she let her guard down. Pero sa isang iglap ay agad niyang naisalo ang aking espada nang sinangga ito sa ibabaw namin.

"Anong?!" maragsang bulalas ko.

She began to smirk at me and gave me a surprise hard blow on my abdomen. Kumalas agad kami at kasunod n'on ang pagsipa niya sa aking dibdib upang tumilapon ako sa sulok ng platform.

Tokwa! Hindi ko akalaing makikita pa rin niya ang bagay na 'yon kahit napuruhan siya sa aking ginawang atake.

Nakakahanga ang skills niya sa pakikipaglaban. Talaga namang may backup move siya sa oras na magkrus ang mga sandata namin. Siguro magpapaturo ako n'on sa kanya sa oras na matapos ang event.

Sumaktong natapos ang unang round. Pareho kaming hinihingal sa labang ito. Nagtamo ako ng iilang daplis sa katawan at ganoon na rin si Zenrie. May natanggap siyang mga tama sa binti, dibdib at braso. Pero nakakagulat lang isipin nang makita ko ang kakaibang ngiti niya.

Sa totoo lang, sa lahat ng mga ngiting nakikita ko sa kaniya, 'yon ang masasabi kong kakaiba. Naninibago ako kay Zenrie sa oras na sasalang siya sa labanan. Mas siniseryoso niya ito at nakikita ko sa mga mata niya ang isang kakaibang mandirigma. Hindi naman 'yon masasabing walang awa dahil nag-aalala siya, nagiging walang emosyon ito at mas malamig pa sa yelo.

Maliban doon, naglalagablab na parang apoy ang mga ito. Para yatang may kakaiba sa mga ito. May iba pa siguro akong bagay na malalaman tungkol sa kaniyang ugali sa oras na haharap siya sa labanan.

Everything seems different from her bright personality. She's really indeed creepy than I thought!

"That was a tough fight from our players! This is the first time in the history where both of them got the draw result! Pantay ang laban nilang dalawa! Who will be the one to gain the win in the second round?" Pagpapahayag naman ng host sa resulta.

Nanlaki ang aking mga mata sa mga sinabi niya at bahagyang nakanganga. Tama ba 'tong naririnig ko? Draw ang unang round?!

Agad akong napatingin sa aming replay at napag-alamang pantay lang din ang naiwang HP sa screen matapos maubos ang oras. Hindi ko akalaing puwede palang mangyari ang bagay na iyon. Sa madaing salita, maliban sa lakas ay pantay lang din ang lebel ng aming sword skill.

But I could say that her agility and reflexes are higher than mine. Sa sobrang bilis pa naman niya ay para lang niyang dinadama ang vibration sa hangin. Naaalala ko tuloy ang ginawa nila Ranzou at Emerson sa kaniya sa beta test. Muntikan pa naman din akong matamaan ng isang bato dahil sa trip ng mga 'yon.

Maya-maya pa'y sumapit na rin ang pangalawang round sa finals. Nanumbalik ulit ang aming HP at nawala ang mga pulang marka sa katawan matapos na bumalik ang oras sa timer.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now