Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

Napalunok tuloy ako ng laway at huminga nang malalim habang nakatingin sa timer sa ibabaw namin. Mistula namang natahimik ang paligid habang hinihintay na magiging 59 ang seconds ng timer. Lahat sila ay nakatitig ngayon sa dalawang sword players na magtatapatan kung sino sa kanila ang mananalo.

Nakatingin naman ako kay Zenrie na ngayo'y chill na chill lang sa kanyang sword player stance. I just notice that she pretty looks like an assassin swordswoman and even her only one sword on her waist. Akala ko tuloy ay gagamitin niya ang kaniyang dual wielding sword skill sa arena. Siguro minsan lang niya ginagamit 'yon sa oras na kinakailangan talaga.

Napahawak na kami sa mga hawakan ng espada nang magsimula na ang countdown sa unang round. Kasabay rin n'on ang masilayan ko ang biglaang magpalit sa pagiging walang emosyon na mandirigma ni Zenrie habang tinitigan ko siya.

Isa na ito sa mga senyales niya.

3...

2...

1...

START!

"Get ready, Zoiren!" sigaw ni Zenrie sabay bunot ng kaniyang espada.

Patango ko naman siyang binigyan ng tugon sa mga sinabi niya. Kahit kami ang magduduwelo, nandyan pa rin ang ugali niya sa pagiging magaling na commander.

Baka iniisip lang niya ngayon na nasa isang sparing session kami sa isang training camp. Ganoon na kasi siya kadeterminado sa mga ganito. Sana all sa kanya na marunong sa iba't ibang martial arts.

Binunot ko na rin ang aking espada ang napabuntong hinga na rin. Wala pang isang segundo ay agad akong umatake pinaulanan ng atake. Nakaturo ang talim ng aking espada papunta sa kaniyang tiyan at sa isang iglap ay agad niya itong iniwasan. Para siyang nakikisabay sa banayad na hangin at muntikan pa talaga akong masubsob sa sahig ng platform dahil sa bilis niya.

Muli akong bumalik sa pag-atake at nananatili pa rin siya sa kinatatayuan niya. Nagkasangga ang aming mga espada at nagkrus ito. Nakakapagtaka lang kasi kahit ilang beses kaming nagkabanggaan ng espada, nananatili pa rin siya sa kaniyang posisyon. Habang ako naman ay parang umiindak na sa pakikipaglaban.

"Hindi ko inaasahang mabilis ka pala sa inaasahan ko Zenrie," nakangising saad ko sa kaniya habang nag-uunahan sa kung sino ang unang kakalas.

"Kailangan mo lang namang maging mapagmasid sa paligid para hindi ka agad mahagip ng atake," pagbibigay naman niya sa'kin ng konting payo.

"Mukhang i-a-apply ko rin 'yan sa oras na lalaganap ang ERCO 673. May iba pa bang payo?"

"Mamaya na ang chika natin sa dorm. Labanan na muna!"

Nagtutulakan pa rin kami hanggang sa nagawa ko nan gang kumalas sa kanya. Muntikan pa kaming mawalan ng balanse ngunit agad naman nakabuwelo. Hinakbang ko ang aking kanang paa sa likod at muling umatake sa kaniya at sa pagkakataong ito ay nagpalitan na nga kami ng mga atake.

Nakikisabay ang aming mga indak sa bawat pagwasiwas at pagtama ng aming mga espada. Bawat pagsangga ay nagmistulang nag-uunahan ang mga ito sa kung sino ang unang makakapagbigay ng daplis sa mga katawan namin. Maliban dito, medyo nahihirapan ako sa bawat galaw ko dahil sa sobrang bilis niya.

Pinaglihi ba siya ng isang superhero sa anime na mabilis kumilos?

Nang sinubukan kong harangin ang atake niya, bigla na lang akong pumalya sa muntikan kong pagbitaw ng aking espada. May isang bagay na naman kasing pumasok sa isipan ko tungkol sa isang bagay na kagabi pa bumabagabag sa aking isipan. Dahil dito ay nagawa ni Zenrie na daplisan ako sa dibdib at braso. Asar! Hindi ko nakita ang bagay na 'yon!

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now