Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

"Teka! Huwag mong sabihing hindi mo pinakinggan ang mga pinagsasasabi niya."

"Naka-earphones kasi ako habang nakikinig sa kantang The Beginning ng One Ok Rock sa playlist ko habang nanonood. Kung ano man ang sinasabi ni Georgia kanina, it was pathetic if her rants were about her boyfriend's defeat." Huminga siya nang malalim at uminom ng tubig. Muli niya akong binato ng seryosong tingin na tila may sinasabi rin sa aking isipan. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ka sa isang patimpalak o kahit na sa laban ng buhay. Kailangan mo ring matikman ang pait ng pagkatalo na kung saan may matututunan ka at tutulong sa paglago mo." Dagdag pa niyang payo.

I totally agree with her. Isa pa, hindi rin 'yon ang dahilan dapat kung sakaling magkahiwalay man dahil natalo siya sa duel arena. Sarap hambalusin ng kaldero ang dalawang 'yon na may ginisang ampalaya.

Kakaiba rin pala si Zenrie. Siguro marami na rin siyang pinagdaanan sa buhay kaya malakas din siyang magbitaw ng payo kahit saan kami mapunta. Hindi lang siguro siya isang manunulat o karaniwang estudyante, isa rin siyang tunay na mandirigmang marami nang mga pilat na natataggap kaya naging malakas.

How to be you, Commander Zenrie?

"Tama ka," patango kong saad sa kaniya.

Bigla na lang niyang tinapik ang aking balikat dahilan upang tuluyan na akong lumingon sa kaniya. Kahit seryoso ang mga mata niya, maaliwalas naman ang mukha niya dahil sa mga ngiti niyang parang isang anghel. Isang savage na anghel na minsa'y ang hilig mangtusta pero nag-aalala pala.

"Kaya naman Zoiren, matuto ka dapat na tumanggap sa kapalarang resulta sa bawat desisyon mo. Huwag ka lang sumuko at matuto kang bumangon upang ipagpatuloy ang laban sa buhay," payo ni Zenrie na mas lalo pang nagpagaan sa nararamdaman ko.

Kinakabahan nga ako dahil siya pa naman ang isa sa mga magaling na sword player sa beta testers na makakalaban ko. Sa nakikita ko ay hindi niya iniisip ang premyo, mas iniisip niya ang kalagayan ng isang tao gaya ng ginawa niya kanina sa mga nakakalaban niya. Kumbaga, pinapakita niya ang sportsmanship niya.

She's really mysterious with a golden heart. Huwag lang siyang galitin at baka makita mo ang baliktad na pag-uugali niya.

Tumango ako sa kaniya at tinapik na rin ang kamay niya. I looked at her with sincerity as I couldn't take away my smile. Masuwerte siguro ang isang tao kung may kaibigan siyang gaya niya.

"Tatandaan ko 'yan. Good luck sa laban natin mamaya," nakangiting saad ko.

Tumango agad siya at muling ipinakita ang ngiti ng isang determinadong ngiti. Lagi ko talagang nakikita to araw-araw sa kanya. Nakakawala ng stress ang mga ngiti niya minsan sa totoo lang.

Maya-maya pa'y biglang tumunog ang isang speaker sa likuran namin na nagpapahiwatig sa'min na magsisimula na ang huling laban. Sabay na rin kaming tumayo at inihanda ang sarili bago pa man kami lumabas sa back stage.

Ito na rin ang huling stage sa duel arena tournament. Oras na upang masaksihan na nila ang huling labanan na sigurado akong magpapabigla sa lahat ng manonood.

Lalabanan ko na si Zenrie... At handa na ako kung ano man ang magiging resulta sa huli.

==============

"Players, get ready for the final showdown!" Masiglang sabi naman ng host sa amin na ngayo'y nakahanda na para sa huling laban ng tournament.

Hindi pa namin inilabas ang mga espada habang wala pang hudyat na ibinibigay. Pareho pa rin ang panuntunan na may dalawang minuto pa rin kami bawat round. Kapag nagiging pantay ang resulta, magkakaroon talaga ng isa pang round o tie breaker.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now