Chapter 23: Final Round

Magsimula sa umpisa
                                        

Medyo nagsisi ako kung bakit pa namin iniligtas ang mga mokong na 'to sa Shadow Filora. Sana pinalapa na lang namin siya sa mga Terbaeus doon at ni Diya. Biro lang!

Matapos ang pagproklama ng host sa pagkapanalo ko, lumapit ako kay Kevin upang makipagkamay (kahit wala siyang mga kamay sa ngayon dahil pinutol ko). Nang aabutin ko na sana para ipakita ang aking sportsmanship, bigla namang pinalo ni Georgia ang kamay ko at niyakap nang mahigpit si Kevin.

Dinaig pa talaga ang isang taong takot mahawa sa RespiroRoachVirus. Grabe! Attitude ka?

"Don't touch him!" bulyaw ni Georgia at mariing nakatingin sa'kin. "Tinalo mo talaga ang Kenny-beh ko. Walang hiya ka!"

"Georgia-beh, ayos lang," mahinang saad naman ni Kevin at hinihimas ang kaniyang mukha. "Tanggapin na lang natin na natalo ako. May next time pa naman, eh. 'Di ba Zoiren?"

Hindi ko alam kung masusuka ako sa nakikita ko, hahambalusin ko ng sword skill, o matutuwa na lang dahil dito. May iba talagang ganyan kung umasta sa oras na matalo ang sinusuportahan niya lalo na kung jowa. I even like Kevin's approach when it comes to the duel, even if he's over-confident.

"Gano'n na nga," patangong saad ko at ngumiti.

Tumalikod na rin ako sa kanila upang pumasok sa back stage ng arena open field. Ngunit hindi ko pa rin maiiwasang marinig ang mga pagtatalo ng dalawa dahilan upang kumulo ang dugo ko. Wala rin naman akong pake sa trip nila kaya hahayaan ko na lang sila. Let them deal with their conflict and I'll mind my own business.

Hay naku! Utang na loob! Hanggang dito pa naman? You made an eyesore to me.

Pumasok na rin ako sa back stage at magpahinga muna saglit. Binigyan din kami ng staff ng healing serum upang ma-recover ang HP namin sa normal at tuna sandwich na rin. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan talaga ang tuna sandwich na binibigay nila ay mas marami pa ang mayonnaise. Anong kababalaghan ba 'to? Pati naman ba sa virtual world ay ganito pa rin?

Habang hinihintay na matapos ang break, biglang may tumabi sa'kin at napatayo ang aking balhibo sa boses na narinig ko. Marahan naman akong lumingon at nasilayan ko rin ang mukha ng makakalaban ko mamaya.

But the difference is she tied her hair in a high ponytail and letting her uneven side hair down. Mukha talaga siyang living anime sa totoo lang.

"Hindi ko akalaing may gana pa silang mag-PDA sa kalagitnaan ng labanan. Distraction talaga ang 'yan sa mga bagay na ginagawa mo," wika ni Zenrie na kumagat na sa huling piraso ng sandwich.

"Napanood mo pala kanina?" tanong ko nang natapos kong lunukin ang kinakain kong sandwich.

"Oo, pero sa holographic window nga lang dito kanina imbes sa likod ng iron gate. Hinayaan lang niyang bukas ang kaniyang blind spot o weak point kaya natalo siya. He shouldn't let open and get distracted. Magaling din ang ginawa mo Zoiren."

"Salamat." Nakakagaan sa pakiramdam ko ang mga sinasabi niya sa'kin ngayon. Gumuhit ulit sa'kin ang masayang ngiti sa aking mukha dahil maliban doon ay makakalaban ko na rin siya.

Mistula akong kinuryente sa aking katawan na tila gigil na gigil nang makipagkrus ng espada sa kaniya. Sa mga nakikita ko sa laban niya at nitong nakaraan, kung magaling siya sa paghawak ng dalawang espada, paano na lang kung isa lang? Ewan ko lang. Medyo bumibilis ang pintig ng puso ko sa sobrang kaba.

"Oo nga pala," pagputol ko naman sa munting katahimikan, "Naririnig mo ba ang sinasabi ni Georgia kanina sa screen?"

Naningkit bigla ang mga mata niya. "Ano ba ang sinasabi niya kanina?"

Class Code: ERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon