Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

Syempre, sino ba naman ang hindi magiging ganyan kung may maingay na hyena--- este jowa niyang si Georgia na kanina pa nag-che-cheer sa kaniya sa gilid ng platform? Kapag natatalo siya, sinusungitan ako at minsan gusto kong hambalusin ng malaking water bottle ang mga 'to.

Kung nandito siguro si Zenrie, kanina pa niya binatukan ang isang 'to.

"Go Kenny-beh! Kaya mo yan! Talunin mo ang Zoiren na 'yan na mas guwapo ka pa sa kaniya!" Patiling saad naman ni Georgia sa gilid habang binabandera niya ang isang mala-flag let ng isang twirler na may nakalagay na mukha nilang dalawa't nakayakap pa. Grabe! You made my stomach upset.

At teka lang! Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Bullying 'yon ah!

Pero kailangan kong mag-focus sa labang ito. Isang panalo na lang, makakaharap ko na rin siya sa finals. Kailangan ko ring masaksihan kung paano talaga siya lumalaban.

Kaya gagalingan ko ito para matupad iyon!

"Oo naman Georgia-beh! Gagawin ko---"

"Mamaya na ang landian niyong dalawa. Labanan muna!" Malakas kong sigaw habang papalapit ako sa kaniya. Natigilan din si Kevin sa dapat niyang sabihin kay Georgia dahil sa ginawa ko.

Nang aatake na rin siya, nagsalubong ang kaniyang mga kamay at ang aking espada kaya nagawa kong maputol ang mga ito. Napasama rin ang isa niyang binti. For the final part, I turn my body and kicked him on his chest and it made him fall on the platform.

The blood pixel fragments came out and it made him to scream in terror when he got up. Mas lalo ring napasigaw si Georgia sa kaniyang nasaksihan at kulang na lang ay sasabunutan na ako. Kaya nga ayaw kong magka-jowa ngayon dahil maraming distraction sa buhay ko! Hay!

Hindi rin siguro niya namamalayang sampung segundo na lang ay matatapos na ang oras.

Sumakto namang naubos na ang oras at muli na namang nag-ingay ang mga tao sa open field arena. Ang mga kasamahan ko naman sa Institute of Technology and Computing Department ay mas lalong nag-ingay at halos gusto na nila akong sugurin sa ibaba dahil nagawa kong pumasok sa finals.

Kahit na rin ang mga kasamahan kong beta testers sa kabila ay mistula nang mga cheerleader kung makapagbati sa'kin. Kapansin-pansin din si Jairus sa malayo na tahimik lang pero nakangiti namang walang emosyon habang niyayakap ang kaniyang tiyan. Hindi pa kasi siya naka-move on sa ginawa niya sa dorm.

Ayan kasi! Inuna pa niya ang gutom bago magtanong sa'kin. Feeling din niya VIP sad dorm namin. Anak ng tokwa! Mukhang kailangan niyang bumili ng isang kahon ng tiramisu cake para mapaamo si Zenrie ulit.

Pero kailan naman naging maamo sila sa isa't isa kung minsan na naaabutan ko ay nagtatalo? Minsan pa nga ay kami pa ang nagtatalo ng mokong na'to. Iba rin ang trip nito.

"That was a flawless final attack from Zoiren! Looks like Kevin let his blind spot open that give him an opportunity to win!"  Wika naman ng host na talagang nasasabik na sa finals. "At this manner, Zoiren Alima won against Kevin Nevales! Congratulations, you will face Zenrie Matsouka-Hidalgo for the final round."

Ayos! Ito na rin ang pinakahinihintay ko. Makikita ko na rin nang lubos ang fighting skills ni Zenrie.

Napabuntong hininga ako't ipinakita ang ngiti ng tagumpay sa aking mga labi. Hindi ko akalaing makukuha ko rin ang huling spot sa kabila ng natalo siya dahil nadistract. Gugmang giatay (lintik na pag-ibig) pa nga. Minsan nakaka-inspire, minsan nakakaistorbo sa mga bagay na ginagawa mo.

Sa laban talaga, kailangan nakatuon ka sa kinakalaban mo. May mga pagkakataon kasing gagawa rin siya ng bagay na nakakaistorbo sa'yo at maging dahilan pa ng pagkatalo mo.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now