Chapter 23: Final Round

Comenzar desde el principio
                                        

Habang naglalakad kami sa pathway, nagsalubong kami ni Zoiren na papalabas pa lang. Bago pa man siya makalabas, tinapik ko agad ang balikat niya kaya siya natigilan sa paglalakad. He flinched and looked at me from behind.

"Galingan mo, Zoiren." Maikling payo ko at ngumiti.

Tumango siya sa'kin at ipinakita ang ngiti ng isang determinadong swordsman sa labanang ito.

"Aasahan ko 'yan, commander." Saad niya't tuluyan nan gang lumabas sa back stage ng arena.

The iron gate falls down in front of me as I watched him from afar. Napabuntong hininga na rin ako sa mga bagay na mangyayari sa labanang ito. I got predictions on what will happen according to their potential skills. Kung sino man ang makakalaban ko mamaya, kailangan na rin niyang maghanda.

Hindi ko alam kung anong klaseng kampon ang pumasok sa utak ko, pero hindi naman masama na sabihan mo siya ng konting payo bago magsimula ang finals, 'di ba? Kahit kinakabahan ako sa susunod na mangyayari, mukhang may posibilidad.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matatanggal sa aking isipan ang mga nangyari kagabi. Dahil sa mga mata ko, sigurado akong marami nang mga bagay na bumabagabag sa isipan niya.

Si Kevin ang makakalaban niya ngayon at isa siyang double-headed axe wielder. Balita ko ay naghahanda na rin ang kalaban niya para sa labang ito at sigurado akong may maririnig na naman akong mga cringe na cheer sa laban.

Maghahanda na ako ng earphones dito kung sakali. It's not I'm bitter; I'm just disgusted about the cringe moments of a couple surpassing the boundary line. Ewan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi siya mananalo sa laban.


 Ewan ko lang kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi siya mananalo sa laban

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

===Zoiren===


"Humanda ka sa'kin!" Sigaw ni Kevin habang iwinasiwas niya ang kaniyang sandata papalapit sa'kin. Agad akong umilag at napapunta sa kaniyang likod. Sinipa ko agad siya dahilan upang masubsob siya sa sahig.

Pangalawang round na namin ito sa semi-final stage at may natitira na lang kaming isang minuto. Magkapantay na rin ang aming HP dahil na rin sa mga damage na aming natamo sa mga atake namin. Grabe! Hindi ko inaasahang may ibubuga pala siya matapos namin silang iligtas sa Shadow Filora dati.

Sa madaling salita, may improvement na rin akong napapansin. Marunong na rin pala siyang lumaban pero kailangan pa rin niya ng maraming pagsasanay.

"Mukhang nahahasa na rin ang paggamit mo sa sandatang 'yan," konting puri ko naman kay Kevin nang matigilan kami saglit. Hindi ko pa rin maiwasang nakangisi sa kaniya habang tinitignan ko ang kaniyang posibleng weak point.

"Salamat sa compliment mo Zoiren," saad niya habang hinahawi ang kaniyang buhok.

May pa-show off pa 'tong mokong na 'to. He's way too confident the battle, huh?

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora