Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

Natigilan si Zoiren at singbilis pa ng kidlat na makatingin sa'kin. Gusto ko sanang matawa dahil para siyang nakarinig ng isang trending na usapin sa paligid.

"Sana all nag-care," natatawang saad nito at sinamahan pa ng pabirong iling.

"Sira!" bulalas ko't hinampas siya sa braso. Napailing tuloy siya sa sakit dahil sa lakas nito. "Pinapaalalahanan kita, sana all mo mukha mo."

"Mukha ko guwapo na simula noong ipinanganak ako sa tunay na mundo." Agad naman siyang nag aegyo sa harapan ko at kasabay n'on ang pagpose niya.

"Alam ko 'yon kaya huwag mo nang ipagkalat," I said in a monotonous voice, crossing my arms.

Lakas ng hangin dito sa arena ah! Bumubugso na naman ang Bagyong Zoiren na nasa lakas ng 245 km per hour. Halos matatangay na kami rito sa arena at ma-postpone pa.

"Ewan ko ba kung pinapaalalahanan mo 'ko o inaasar." Napakunot agad siya ng noo habang nakatingin sa'kin.

"Both, Zoiren. Both." I sighed rapidly.

"Tokwa ka commander!"

"Biro lang!"

Just then, the host started to speak in the arena. Dahil sa lakas ng ginagamit naming speakers ala virtual world ay naririnig ito halos sa buong campus. Hindi ko napansin kanina ang mga bagay na ito dahil nasa loob nga kami para sa duwelo. Kahit dito sa may waiting area o back stage ng arena ay mapapatakip na lang ako sa mga tainga.

"Now, let's continue to our duel arena tournament..." paninimula na niya habang naghihintay kami rito.

Halos rinig na rinig din ang mga boses nilang naghihiyawan at nagpapakawala ng mga iba't ibang cheers and yells para sa mga sasabak.

Mas lalo pa tuloy bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga nangyayari. Halos gusto ko na ring mag-back out sa larong ito pero hindi na puwede. Huli na para magreklamo ako tungkol sa bagay na ito.

Kahit ganoon, kailangan ko pa ring harapin ang magiging kapalaran ko sa event na ito. Kung sakaling uusad ako sa finals, kailangan kong maging handa sa kung sino man ang makakalaban ko.

Basta ang importanteng rule rito ay huwag kang gagamit ng sword skill na pareho mong ginagamit kapag nagiging si Black Navillerian Angelus.

Huminga ako nang malalim bago pa man kami lumabas para sa laban. Kaya ko 'to. Hangga't walang napapansing kakaiba ang iba lalo na ang mga kasamahan ko, malaya pa rin akong makakalaban habang ginagawa ko naman ang dati kong gawi.


==========


"That was a blast! Zenrie-Matsouka Hidalgo won against Rhealine Hernan for the semi-final round. Congratulations, you will now get the first spot for finals!" Anunsyo ng host habang naghihiyawan naman ang manonood.

Pasimple naman akong nakangiti sa kanila at nakipagkamay kay Rhealine. Hindi ko rin akalaing magaling din ang nakalaban ko sa round na ito. She has a potential in wielding her katana as well as her strength and agility. Sana makakaharap ko pa rin siya ulit sa susunod.

"Ang galing ng laban natin Zenrie!" Rhealine smiled. "Magharap naman ulit tayo sa susunod at sisiguraduhin kong mananalo na ako."

"Hihintayin ko rin ang panahong 'yan, Rhealine," nakangiting saad ko naman.

Matapos n'on ay bumalik na kami sa back stage ng arena. Hindi ko rin inaasahang hihingalin din ako sa labang 'yon. Nakatama nga siya sa'kin sa braso at likod, pero agad naman akong nakabawi gamit ang aking simpleng seven sword slashes. Mahinhin siya pero mabagsik din pala.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now