Sa totoo lang, mas nahihirapan tuloy akong maging ayos sa tuwing makikita ko siya at makakasama. Kinukulit na naman ako ng mokong na 'to. Ang tigas din talaga ng ulo niya kung tutuosin.
Natahimik ang paligid saglit nang maitikom ang mga bibig namin. Tanging mga ingay ng kaluskos ng dahon ang namamayagpag sa labas. Hinihintay pa siguro namin kung kailan pa puputi ang uwak.
"Zenrie, may itatanong muna ako saglit bago tayo tumuloy sa loob." Sumakto namang binasag ni Zoiren ang munting katahimikan sa paligid. Binato rin niya ako ng mapagtanong na tingin na nagbigay intriga sa isipan ko.
"Ano 'yon?"
"May napapansin ka bang tao kagabi sa dorm kagabi? May nakita kasi akong nilalang sa bintana habang pabalik ako sa room natin," mausisang tanong naman niya.
Naningkit bigla ang aking mga mata sa isang tanong na pinag-aalala kong sasabihin niya. I may be acting like I don't know anything what he's asking about, but in this case, he started to become curious.
"Wait a second; someone entered your dorm last night?" Jairus's eyes narrowed and crossed his arms again.
Tumango naman si Zoiren bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Nilalang sa bintana? Wala akong nakita kagabi sa bintana at malalim na rin ang tulog ko n'on," diretsong sagot ko habang hinihimas ang baba ko. I have to act like a curious cat just to keep the thought that I was the one he saw last night.
"Bakit mo pala naitanong?" dagdag kong tanong sa kanya.
"Gusto ko lang kasing masigurado kung totoo ba 'yong nakita ko sa bintana o hindi. Baka kasi naglalakad akong tulog." Napahimas tuloy si Zoiren sa kanyang batok at mahinang tumawa. "Nakita ko pa namang asul ang mga mata niya."
Akala ko tuloy naglalakad siyang tulog kagabi. Nakita niya talaga ako lalo na ang mga mata ko.
Linti! I even didn't expect to see him at the hallway last night. Nagkataon lang ang bagay na 'yon lalo na't malapit nang matapos ang Navillerian Metamorphosis ko n'on.
Honestly, hiding something to others can give chills to your spine. Kahit ginagawa mo ito sa mabuting rason, kailangan hindi ka magpapahalata kung ayaw mong masira lahat ang pinaghirapan mo lalo na sa misyon. Puwera na lang kung ang taong nagtatanong ay magaling sa larangan ng pag-uusisa.
"Pasensya na Zoiren pero hindi ko talaga nakita ang sinasabing nilalang na tinutukoy mo," I furrow my brows. "Kung dumating 'yon sa room natin, matagal na sana akong nakadama ng isang data energy signal na kakaiba upang humanda."
"And besides, mukhang namamalik-mata ka lang kaya may nakita kang kakaiba." Jairus shook his head slightly and sighed. Sa pagkakataong ito, kahit hindi niya alam ang pangyayaring iyon, nagdadalawang-isip pa rin ako kung magpapasalamat ba ako o maiinis sa mga sinabi niya.
Para yatang pinagtakpan ako sa ginawa kong pagtakas kagabi sa bintana.
Zoiren shrugs and sighs. Bahagya naman siyang natawa sa mga sinabi namin.
"Mukhang tama nga kayo," pagsang-ayon naman niya't marahang ibinaba ang mga kamay sa gilid. "Siguro namamalikmata lang ako kagabi. Grabe na rin kasi ang pagtama ng antok sa katawan ko, kaya agad na rin akong napabunot ng espada habang nasa harapan ako ng bintana."
"That's the case." Jairus muttered.
"Kaya naman pala. Sa susunod dumiretso ka na lang sa kuwarto niyo at matulog na. Kung ano-ano pa ang makikita mo sa paligid."
"Ok commander."
Matapos ang usapang 'yon ay pumasok na kami sa samgyeopsal resto at nagsalo-salo na sa pagkain. Everything in there seems a casual celebration, but behind it were some things we need to hide from others.
Hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil sa misyon ko. Bilang si Black Navillerian Angelus, kinailangan kong gampanan ang bagay na ito kahit pa'y maraming pagsubok na babara sa'kin. Likas nga ang may talento sa pagtago, ngunit darating pa rin ang pagkakataong malalantad at malalantad ito.
Kahit na ang nakita ni Zoiren na nilalang sa bintana, kahit nakakabahala, darating pa rin ang panahong malalaman pa rin niya ang totoo.
Kaya habang hindi pahuli, huwag kang magpapahalata kung ayaw mong mabuking at mahanap ka ng mga tumutugis sa'yo.
Now I'm starting to involve in a game called "How long will you hide your alter-ego?"
==================
Author's Note:
How long will you hide is someone started to be suspicious?
May malalaman pa kayang kakaiba si Zoiren tungkol sa nakita niyang nilalang sa bintana?
Abangan sa susunod na kabanata.
Praying for safety especially sa mga kababayan natin in Region XI. Keep safe everyone!
Stay tuning in for more updates! Happy reading.
~SymphoZenie
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 23: Final Round
Comenzar desde el principio
