Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

"Iniwan talaga tayo ng mga 'yon dito sa labas?" Zoiren sighed heavily and stared blankly.

"Ganyan talaga kapag tinatawag na sila sa bugso ng gutom nila," natatawang saad ko naman at napakrus ng braso. Isa na rin ito sa mga common na pangyayari sa oras na may libreng magaganap sa grupo. Nakaka-miss tuloy gawin ang mga bagay na ito noong wala pang pandemyang dulot ng ResproRoachVirus.

Ayon din sa nakita kong statistical updates worldwide, malapit na itong maging isang milyon at kalahati na ang kaso. Bawat araw ay pabilis nang pabilis na rin ang pagtaas ng kaso at talagang nakakabahala na ito. Naghahanap pa rin ng gamot ang mga eksperto upang malabanan ang mabagsik na kalabang hindi makikita ng karaniwang mata.

Ganoon na rin sa mga user na namatay simula noong ERCO 673.

Teka. Wala akong panahon para mag-overthink. I have to focus on what's important.

"Well... Speaking of bugso ng gutom, mukhang kanina pa yata lumilipad ang isipan ng isang 'to." Natigilan muna si Zoiren nang binato niya si Jairus ng matalim na tingin.

Maliban doon ay kanina pa siya naging tahimik simula noong nasuntok ko siya sa inis nang inubos niya ang pinakamamahal kong tiramisu cake. Sino ba naman ang hindi magtataka at magalit sa isang bisitang hindi nagtatanong kung sa kanya ba ang pagkain na naiwan sa mesa o hindi. May pagka-asumerist din ang mokong na 'to gaya noong una siyang bumisita sa SAU.

I shot him with my cold glare and cross my arms. Agad naman siyang napalingon sa amin at naningkit ang mga mata. Hindi ko alam sa sitwasyong ito pero bakit yatang nag-uusap kami sa pamamagitan ng pagtitig sa mata.

"What? Are you still mad at me from what I've done to Zenrie-chan's cake?" Jairus spitted those words in a monotonous tone. He crossed his arms while maintaining his squinted gaze.

Even if he's guilty, he still manages to keep a cool ambiance as well as his head. 'Yan ang tinatawag nating pa-cool na guilty.

"Ikaw ang may sabi niyan," Zoiren scoffed and looked away from his sight. "Kausapin mo 'yong may-ari, hindi ako. Pinagbilinan niya lang ako sa cake na 'yon kanina habang nasa library siya."

Napailing naman siya't itinuon ang mga titig sa'kin. Sa pagkakataong ito ay mistulang nakikipag-usap siya sa'kin sa isipan. We maintain our eye contacts for a second and snap my fingers to return ourselves in reality.

"Well in that case, mukhang madadagdagan na naman 'yong atraso mo sa'kin." Napabuntong hininga ako habang nananatili pa rin ang mga malalamig kong titig sa kanya.

"Seriously?!" Jairus stammered, dropping his arms lazily. "I already asked my apology earlier while we're at the dorm Zenrie-chan."

"Magtanong ka na kasi sa susunod para hindi madagdagan ang atraso mo sa'kin. Inuna mo pa kasi ang bugso ng gutom mo sa dorm," pangangaral ko naman sa kanya. Para tuloy akong adviser na pinagsasabihan ang isang estudyante dahil dito. "Hindi naman ako galit, pero sino naman ang hindi maiinis?!"

"At 'yan na mismo ang sinasabi ko sa'yo kanina," dagdag naman ni Zoiren sa kabila. He put his left hand in his pocket while mimicking my hand gesture.

"Oo na. Magtatanong na ako sa susunod."

Jairus left out a heavy sigh and flash his natural smile. Marahan naman siyang tumingin sa amin, ngunit mistulang nakadikit ang atensyon sa'kin. Ewan ko lang kung ano na naman ang pumapasok sa kokote niya't parang lutang na naman kung makatingin.

Maybe it's the side effect of stealing my tiramisu cake.

O baka naman iniisip pa rin niya ang mabigat niyang atraso sa'kin. I'm getting curious why he accompanies me from the past days. Kung ang intension man niya ay para pag-usapan ang bagay na iyon, hindi pa talaga ako handa sa totoo lang. Wala pa akong sapat na salitang sasabihin sa kanya o lakas na maipapakita.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now