Chapter 23: Final Round

Comenzar desde el principio
                                        

Nasa pangalawang puwesto man si Zoiren kanina, karapat-dapat pa rin siyang isali para sa munting selebrasyon. Masasabi ko talagang nakakahingal din ang labanan kanina lalo na sa biglaang paglabas ng aming mga sword skill ability.

Kahit ako kanina na labis ang pag-iingat ko, mistula namang kabute itong umusbong. Isa na rin kasi sa mga paalala nila Prof. Rythen (Since hindi ako naging si Kazeru ngayon kaya prof ang tawag ko at hindi master) at Blaurei sa oras na mapapasabak ako sa labanan o munting duwelo. May mga ability kasi ang alter-ego ko na mistula ring kabute na bigla na lang lalabas, kahit nasa normal na anyo ako.

May ituturo pa sila sa'kin sa susunod naming pagkikita.

"Ang lupit ng labanan niyo kanina at may save for the last pa kayong nalalaman sa mga sword skill niyo," saad naman ni Ranzou na nagawa pang guluhin ang buhok ko. Agad ko naman siyang pinalo at napailing ito na parang tuta. Mukhang napalakas yata.

"Oo nga Riri! Hindi namin inaasahang mangyayari ang bagay na 'yon, noh. Hindi ko akalaing may tinatago pala kayong mga special moves," masigla namang dagdag ni Mimi na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.

Kahit sa totoo lang ay medyo naging weird sa'kin ang mga pangyayaring 'yon. Biglaan na lang na lumabas ang mga 'yon kahit gusto lang naming gumamit ng basic sword skill.

Hindi naman siguro nangungulit ang alter-ego ko kanina kaya lumabas ang kakaibang mist sa espada ko.

"Nagkataon lang ang mga 'yon kung tutuosin," I sigh and smile. "Sa totoo lang hindi rin namin inaasahang lumabas na parang kabute ang mga ability kanina sa duel arena."

"Ang astig!" Emerson and Andy exclaimed. Their eyes even started to dazzle.

"Sabihin na lang nating parang ganoon na nga," patango namang singit ni Zoiren at muling tumingin sa kawalan.

"That's amazing," aniya ni Althea at tumingin sa aming dalawa. "May pakulo pa talaga kayo sa huling minuto."

"Pakulong hindi inaasahang mangyari." Calyx clicked his tongue and winked, pointing on us.

Jairus suddenly throw a curious gaze on me. "In other words, your abilities just popped out without any single command in will. Ganoon ba 'yon?"

Aba't nagawa pang sumingit ng kriminal na 'to na kumain sa tiramisu cake ko kanina sa dorm.

But he's got a point though.

"Indeed." Matipid kong sagot at muling tumingin nang diretso sa pinupuntahan namin.

Malamang ngayon marami na namang magsasalita tungkol doon sa mga social media. Alam niyo namang may iba na sa isang type lang, kalat agad ang balita. I wonder if those tweets are going to change right after the duel arena tournament.

Minsan nakaka-concious isipin ang mga bagay na 'yon kahit nakakulong pa kayo sa virtual world. Nakakagaan sa pakiramdam nang malaman kong walang me isa sa amin ang naubusan ng HP sa labanan at hindi rin naging kampante.

Mas mabuti nang nag-iingat kesa sa maging mitsa pa ng matinding pagsisisi sa huli.

Pagkarating namin sa naturang lugar, mistulang mga paslit kung kumaripas ng takbo ang mga kasamahan. Althea, Emerson and Calyx wanted to scold them from leaving them from behind, but they chose to follow them inside. Lingid din sa kaalaman ng mga tokwa, paano sila pipili ng isang klaseng samyeopsal kung ang mga magbabayad ay naiwan naman sa labas.

Oo, tama ang narinig niyo. Kami ni Zoiren ang maglilibre sa mga 'to 'di porke't naging champion ako at 1st runner up siya. Pero choice na rin naming ibahagi ang biyaya sa kanila.

Class Code: ERRORDonde viven las historias. Descúbrelo ahora