Binato ko siya una ng isang awkward na tingin hanggang sa tuluyan na rin akong napangiti. Totoo ngang matapos ang isang duel arena ay natututo pa rin siyang maging mapaghumbaba at ipakita ang tunay na sportsmanship.
Kaya pala maraming tao ang nasisiyahan sa kanya kahit minsan ay singlamig pa siya ng yelo at studious.
"Ganoon din ako. Ang lupit din ng ipinakita mong sword skill kanina," puri ko naman sa kanya at tumawa nang mahina.
"Gaya nga ng sabi ko sa'yo kanina, mamaya na ang chika sa dorm. Babangon ka ba r'yan sa sahig o hindi?" pabiro namang saad niya sa huli at hindi pa rin iniaalis ang mga ngiting 'yon.
Umayos ka Zoiren! Nagiging lutang ka na naman sa mga nangyayari dahil sa labanan niyo.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahang may ganoon pala siyang special technique. Saan naman kaya niya natutunan ang bagay na iyon? O baka naman chamba lang o nagkataong lumabas 'yon.
"Tatayo na po commander," nakangiting saad ko.
Inabot ko na rin ang aking kamay upang makatayo. Hindi ko inaasahang mapupuno rin ng mga marka ang katawan namin mula sa laban at ito na rin ang magiging remembrance namin sa labanang ito. Ang sarap din pala sa pakiramdam na kahit isa itong duel arena tournament, para lang din kayong nag-sparing sa isang training at hindi iniisip na isa itong kompetisyon.
"Amazing! That was an intense battle between Zenrie and Zoiren up to the last seconds. All the people from Arts and Sciences Department and Institute of Technology and Computing Department are making noises right now after showing their remarkable abilities." Muling nag-ulat ang host at sa pagkakataong ito ay talagang sumulpot siya na parang kabute sa gitna namin. Muntikan pa tuloy akong mapatalon sa gulat dahil sa trip niya.
"And now, I would like to announce the result of the finals."
Tahimik kaming naghihintay sa anunsyo ng host habang pasimple kaming nakayuko't napabuntong hininga. Kung ano man ang magiging resulta, malugod koi tong tatanggapin sa kabila ng pagbuhos ko sa akng makakaya sa duwelo. Lahat naman deserve maging panalo, pero sa magkaibang panahon o sitwasyon mo lang ito mararanasan.
Nang matapos ang drum roll, agad itinaas ng host ang kaniyang kamay at halos makikita na rin ang gilagid niya sa laki ng kanyang ngiti.
"Make some noise Arts and Sciences Department! Zenrie Matsouka-Hidalgo broke the draw tie for the second round! Congratulations!"
The crowd went on to frenzy, raising their voices at the top of their lungs and raises their banners. Napuno agad ng matinding palakpakan ang arena at ang ilan sa kanila ay tumatakbo na papunta sa kinatatayuan namin. Kasali na rin doon ang mga kasamahan naming beta testers at kasamahan sa dorm.
I stole a glimpse at her, wearing the effortless smile of victory on her angelic face. Deserve niya talagang manalo sa duwelong ito. I feel like I'm intimidated, but overall, I also realized that I'll use this motivation to enhance my skills in fighting especially when ERCO 673 strikes again.
How to be like you Zenrie? How to be a strong warrior like you?
Ayos na rin sa'kin ang second place. Ang mahalaga may premyo pa rin kaming maiuuwi.
Her moves... she's really amazing and badass. I guess I'm on the right commander to trust with.
===Zenrie===
"Congrats ulit sa pagkapanalo niyong dalawa kanina!" Masiglang bati ulit ni Ellah sa aming dalawa ni Zoiren.
Patungo kami ngayon sa isang samyeopsal resto na malapit sa SAU upang magdiwang sa pagkapanalo namin sa laban. Hindi na rin nakisabay sila Rupert at Lezmond dahil kailangan daw nilang i-update ang kalagayan ng laro. I even heard them mumbling ther wished that they will have that event on their upcoming intramurals. Mga mokong talaga.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 23: Final Round
Start from the beginning
