Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

At para naman kay Zenrie... Nakakapanibago talaga siya kapag mas nagiging seryoso. Sino ba talaga siya?

She dashed in different directions as she's swinging her sword, giving me such red marks on my body. Nagawa ko namang maisangga ulit ang espada ko't napatigil siya. Nagtulakan kami at tumilapon papunta sa magkabilang sulok. Anak ng tokwang tinapa!

May 15 seconds na lang at matatapos na ang laban. Sa puntong ito ay talagang magkakaroon ng unahan sa pagtapos ng huling round. Mistulang kumakabog pa ang aking dibdib habang tagaktak naman ang aking pawis sa laban. Ngayon ko lang nasaksihan ulit ang pagiging mailap niya sa bawat atake ko't paano niya ginawa ang deflection skill.

Sa oras na magiging draw na naman ito ulit, sigurado akong may tie breaker na magaganap. Kapag hindi naman, tapos na ang laban. Kailangang gumana ng mga pandama ko upang malaman ko rin ang weak point niya.

Walang ano-ano'y magkasabay kaming bumangon at sumugod ulit. Nagliliwanag din ang aming mga esapda at nakahanda na ito sa kung ano man ang magiging resulta sa labanan. Ewan ko kung ano ang pumapasok sa isipan ko ngayon, pero nasisigurado rin akong ito na ang magiging huling parte sa duel arena tournament na ito.

Ngayon na, Zoiren!

"Heto na..." mahinang usa ko sa ere at mahigpit na nakahawak sa espada.

I lifted my face and dashed to Zenrie's position, and so she is. As the swords glow in bluish-white and scarlet, she also does the same thing as the tip of her sword slowly draws closer. But what's strange was a familiar mist swirling around her blade. Parang 'yan din ang nakita ko noong dance contest namin pero hindi ako sigurado.

Kaasar! Hindi ako puwede ma-distract. Kailangan kong maipanalo ang laban na 'to sa mga huling patak ng segundo.

"Gyaaaaaaaaaah!~"

After we clash and exchange sword skills, another thick smoke covered the place. Lahat ng mga tao sa arena ay nakatuon pa rin sa mga naganap sa platform habang hinahaplos sila ng malakas na hangin. Para pa ngang huminto ang pag-ikot ng mundo dahil dito.

Hindi ko na rin ramdam ang katawan ko. Para yata akong isang talulot ng rosas na banayad kung mahulog sa sahig. Bakit ba ganito?

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata habang kinakapa ko ang kaliwang kamay ko sa medyo magaspang na sahig ng platform. Tokwa, hindi ko inasahang natumba pala ako sa sobrang bilis ng mga pangyayari. I wonder what happened before the last seconds dropped.

Habang dahan-dahan akong bumabangon, naalinag ko agad ang makintab na talim na malapit sa akin. Nang mawala na ang konting pagkalabo ko sa paningin ay agad nanlaki ang aking mga mata. Ang talim ng espada ni Zenrie ay nakatutok sa aking leeg habang siya nama'y nakatayo na tila wala siyang natatamong sakit at pinsala. She was like a strong pillar that faced a lot of storms and remained standing tall.

Even her cold glare shot me to freeze myself like a statue. Kakaiba ang nakikita ko sa kaniya ngayon at talagang masasabing malayo siya sa talagang kilala ko.

Ito ba talaga ang isa sa mga itinatagong side ni Zenrie sa oras na mapapasabak siya sa labanan? Mas nakakatakot siya't naninibago ako sa kaniya sa hindi inaasahang dahilan.

Naging zero na rin sa wakas ang timer sa screen, kasabay rin dito ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga manonood sa aming laban. Ito na rin ang naging hudyat upang ibaba ni Zenrie ang espada at lumapit nang husto sa akin. Kahit din sa ganitong sitwasyon ay parang nagkakaroon ng slowmotion habang papalapit siya.

Ibang klase naman ang epekto ng ginamit niyang sword skill.

"Napakaganda ng laban natin, Zoiren." Yumuko nang bahagya si Zenrie at inabot ang kaniyang kanang kamay. Bumalik na rin ang aking ulirat nang masilayan ko ang mga ngiti niya ng isang anghel.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now