Chapter 23: Final Round

Start from the beginning
                                        

Nagawa ko ba? Nagawa ko ba siyang tambangan sa aking atake?

Napansin ko ring tahimik lang na nanonood sina Jairus, Ranzou, Althea, at Emerson habang nakatitig sa babaeng natatabunan sa makapal na usok. That jerk even smirked as he was looking behind the thick smoke and he seems thinking something suspicious. Ewan ko lang sa kanya, mukhang epekto na 'yon sa pagkain niya ng tiramisu cake ni Zenrie kanina.

Habang nakatayo ako't pinagmamasdan ang pangyayari, bigla na lang may lumiwanag sa likod nito. It was bluish-white light in a form of a sword as well as the gleaming eyes, coming out from the thick smoke.

In just a split of a second, she came out and her sword illuminates. A cold glare shot me back as she swings her sword at me on the first three slashes. Nagawa kong maisangga ang mga ito, ngunit nang maipagpatuloy niya ito sa huling apat na atake ay tinamaan ang aking kamay at naisalo nga ng katawan ko ang mga atake.

Shoot! Hindi ko inaasahang gagawin niya ang seven sword slashes niya. Paano naman siya nakatakas sa malupit na atakeng iyon? Huli ko itong ginamit sa kinalaban ko kanina ay hindi rin siya nakaligtas.

Nakakamangha. Sinong mag-aakalang magagawa niyang makaligtas sa malupit kongb atake na iyon? Nakakapanibago tuloy si Zenrie sa oras na nasa mood siya ng labanan at talagang ayaw na ayaw mo siyang galitin kapag may manakit kahit isa sa mga taong mahalaga sa kanya.

Kung nagawa niyang makaligtas sa atake ko, ganoon din ako sa kanya. Hinding-hindi ako susuko at papatunayan ko ring may sapat akong lakas para matalo ang sarili naming commander!

May pagkakataon mang aasarin akong tanga minsan, ipapakita ko rin sa kanila na may ibubuga rin akong lakas sa oras ng labanan kagaya ng mga sinuong namin noon.

Lumayo agad si Zenrie sa aking kinatatayuan. Tumalon agad ako mula sa ibabaw ng makapal na usok at kasabay n'on ang paggamit ko ulit sa aking basic sword skill. Hindi rin ako magiging depende sa kung gaano kalakas ang aking atake sa tulong ng aking sword skill ability. Kailangan kong gamitin ang aking lakas at talas ng isipan upang manalo!

Muli ay nagniningning ang aking espada sa kulay scarlet habang inilipat ko ang aking lakas sa aking espada. Ngunit hindi ko inaasahang papalibutan pala ito ng kakaibang petals ng bulaklak na maihahalintulad sa rosas ang itsura. Hindi ko na rin ito pinansin at agad kong pinakawalan ang isang wasiwas nito.

Nanalaki ang aking mga mata nang makita ko ang mga kakaibang talulot ng mga rosas na nakapalibot dito. Mistula itong gumawa ng isang mala-petal blade blizzard ulit na agad dumirekta sa kinatatayuan ni Zenrie. Singbilis pa sa alas kuwatro itong tumama at lumikha ng makapal na usok.

Anak ng... Paano naman nangyari ang bagay na 'yon? Dapat 'yong karaniwang five slashes combo lang ang gamit ko. Masyado ring maisyu ang abilidad na ito.

"Wow! An amazing ability from Zoiren directly hit her from the platform! Is she's going to survive his attack or not?" Magiliw namang pag-uulat ng host na nasa katabi ngayon ng mga manonood. Mukhang lumipat yata siya ng puwesto simula noong magkabanggaan ang mga espada namin.

45 seconds na lang... kailangan kong manalo sa bagay na ito.

Nang makalapag ako nang banayad sa platform, muli ko na namang nakita sa likod ng usok ang pag-deflect ni Zenrie sa mga atake ko. Singbilis ng liwanag siyang tumakbo habang iwinasiwas ang kaniyang espada. Napaatras ako't inihanda ang aking espada nang muli na namang nagliwanag ang sa kaniya.

Nakalimutan ko tuloy isipin na isa rin sa kaniyang mga abilidad ang deflection attack. Tokwa! Bakit ba nawala ko ito sa isipan ko? Kahit ngayon ko pa lang nasaksihan ang ganoong ability, hindi ko pa rin maitatangging isipin kung saang lupalop ng virtual world ko 'to nakuha.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now