Chapter 21.1: Before Nine O'clock

Start from the beginning
                                        

Kumibot ang sulok ng aking labi habang nanatili pa ring walang emosyon ang aking mga mata. Ngayon ay inilabas na naman ng host ang mga pangalan ng sinasabing lalahok sa isang nakakabaliw na event na ito. Nakalista ang mga pangalan ng kalahok ayon sa unang letra ng mga apilyedo nang pagkasunod-sunod.

Duel Arena Tournament Qualifiers

1. Zoiren Alima

2. Jeffrey Dela Rosa

3. Analiz Gartena

4. Rhealine Hernan

5. Zenrie Matsouka-Hidalgo

6. Kevin Nevales

7. Erica Sipno

8. Alwyn Trano

So... I'm fifth on the list. Hindi lang 'yon, kasama ko pa sila Zoiren at Analiz na talagang gustong malaman kung sino ba talaga si Black Navillerian Angelus.

Napayuko ako ng ulo at kasabay ng matamlay na pagbaba ng aking mga braso. Mas napahigpit pa sa pagkuyom ang aking mga kamay na kapag nangyari ito sa tunay na buhay ay talagang dudugo na ito dahil sa mga kuko. I pressed my lips and the fire inside of me started to flame again.

Sa oras na makakaramdam ako ng ganito, hindi na talaga maganda ang kutob ko.

"R-Riri..." Mimi uttered in a small cracked voice. "Napasali kayo nila Zoiren sa tournament."

"Anak ng tokwa!" bulalas ni Ranzou. Lumapit siya nang husto sa aking kinatatayuan at inilapit ang kaniyang bibig sa tainga ko.

"Masama 'to. Paano kung may makakaalam sa virtual identity mo? Baka hindi natin alam na nandito rin 'yong mga player na gustong manakit sa'yo kapalit ng rank mo," bulong naman niya. Sa sitwasyong ito, mukhang inilabas niya ang kaniyang instinct sa pag-aalala nang malamang napasali ang pangalan ko sa duel arena tournament.

"Kung 'yan man ang surprise, hindi talaga 'yan nakakatuwa sa parte ng commander natin," Althea uttered with a tone of worry in her voice.

"Anak ng... Ba't ako napasali?!" nagugulantang na saad ni Zoiren at napasampal sa noo. "Ano bang klaseng randomizer ang ginagamit nila?"

Anak ng tinapang giliw! Bakit ba ako napasali sa lintik na battle duel tournament na 'yan? Sigurado akong may mokong na nagplano nito at iprinisenta sa meeting para maging special event ito.

Pero kahit ganoon, hinding-hindi nila basta-basta malalaman ang tao sa likod ng pagkatao ni Black Navillerian Angelus. Mahihirapan lang silang malaman kung sino siya kahit nasa virtual world pa. Huwag kang magpapahalata kung ayaw mong mahuli ka agad ng mga taong 'yon. Syempre, keeping your virtual identity without showing any sort of culprits about your alter-ego is my special talent also.

I put a determinate smile on my face and lifted my head, glancing to Althea, Emerson and Ranzou who know my virtual identity. I also tapped Mimi and Zoiren's shoulders to tell them that everything's under control. Kahit hindi pa nila alam ng dalawang ito na ako si Black Navillerian Angelus, sisikapin ko pa rin silang protektahan sa abot ng makakaya ko. Balang araw malalaman nila kung sino siya.

Pero sa ngayon, hindi pa puwede dahil nasa alanganin din ang buhay at virtual identity ko. Ayoko silang madamay sa kung anuman ang hakbang na gagawin nila na makapanakit.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now