Chapter 21.1: Before Nine O'clock

Start from the beginning
                                        

"Sinabi mo pa Emmie," pagsang-ayon naman ni Emerson.

Agad naman akong binaba ng mga kasamahan ko at lumapit sa kasamahan naming si Kuya Razel na isang senior student mula sa BS Bology na bitbit ang aming tropeyo. Kinailangan na rin naming lumapit para na rin sa aming group photo na i-po-post sa mga social media accounts ng university.

After taking the group photo, Analiz grabbed the trophy from him and raise it as the audiences are cheering and congratulating us. Kasama rin niya si Eunice at tila inirapan pa ang mga taga-Engineering habang tinatanggap ang kulay pilak na trophy. One of the members saw it and darted her glare to these anchovies.

"Ang yabang naman ng babaeng 'yan," panlilibak naman ng isang sophomore mula sa BS Geology. "Hindi porke't sila ang champion, nagagawa pa nilang tarayan tayo."

"Oo nga," tugon naman ng kasama niyang binabae.

Thanks to my sharp hearing and I heard their comments. Sa mga ginagawa rin kasi ng dalawang palaka rito ay baka kung ano-ano na ang mga sasabihin nila sa aming grupo. Kaya bago pa man mangyari 'yon, lumapit si Ate Natalie sa kanya't kinuha ang tropeyo saka binigay kay Kuya Raizel. Surprisingly, she glared to them like a grim reaper and shut them.

"Umayos nga kayong dalawa! Hindi ito payabangan at palakihan ng ulo," sermon naman niya.

"Pake mo? They deserve to be as second place losers, duh!" umirap si Analiz kay Ate Natalie at tahimik na pumunta sa likuran namin.

Mga hyenang 'to talaga. Ang sarap tapalan ng duct tape sa bibig. Where did they put their respect? I guess to the soles of their feet.

Lumapit naman ako sa kanila at humingi na rin ng dispensa sa mga kalokohang gestures nila.

"Pasensya na kayo sa dalawang 'yon. Medyo naalog lang siguro ang mga utak nila kaya ganoon na lang sila kung makatingin sa inyo't mang-insulto," paghingi ko ng dispensa sa kanila at ngumiti.

Imbes na mainis ang dalawa ay kumalma sila sa mga sinabi ko na kinalauna'y nagpaalis sa munting usok na lumalabas sa kanilang mga tainga.

"Ayos lang 'yon," she sighed lightly and draw a sweet smile. "Nakakainis lang talaga ang dalawang 'yon. Pero in fairness sa'yo girl, ang humble mo at ang ganda pa ng pakikitungo mo sa ibang mga estudyante sa mga contest na ganito. Congrats nga pala sa inyo ulit."

"Naku! Maliit na bagay 'yon," I smiled and chuckled, caressing my nape. "Congrats pa rin sa inyo dahil binuhos niyo talaga ang makakaya niyo sa dance contest na ito. Ang galing din ng choreography niyo at koordinasyon. Kudos sa inyo. Makakabawi rin kayo sa susunod na events."

Their eyes started to shimmer when they heard my comment during their performance. Their faces flashed a great smile like a child and shake their hands with mine. Para silang nakikipag-meet and greet sa isang manunulat sa book launch.

"Salamat!" masiglang saad nilang dalawa. "Pagpalain ka lagi sa malaanghel mong puso. Nakaka-sana all ka naman! Deserve niyo rin talaga ang trono sa contest na ito."

"Gan'on din kayo. Marami pang pagkakataon para bumawi. Tiwala lang talaga."

Nang lumaon ay ngumiti kami sa isa't isa bago pa man ako bumalik sa grupo. We stayed at the side of the stage while listening to the said surprise of this year's intramurals. Gusto ko sanang pumunta sa bleachers para kumustahin ang mga kasamahan naming beta testers at batukan ang Jairus na 'yon, pero sinabihan kami ng staffs na dito na muna kami sa gilid at mamaya na ang kamustahan.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now