Nagkatinginan muna ang dalawang hosts sabay bukas ng envelop window at anunsyo.
"CONGRATULATIONS TO ARTS AND SCIENCES DEPARTMENT BLUE NIGHTHAWKS!"
Bigla akong na-loading ng ilang minuto sa aking kinatatayuan habang nagtatalon na sa tuwa ang aking mga kasamahan. The joyful screams roared inside the gymnasium as well as the audiences. Para kaming nanalo sa isang talent show sa telebisyon habang pinagmamasdan ko sila.
"Congrats sa atin guys! Ang galing ng ginawa niyo," masiglang bati ni Ate Natalie habang lumalapit kami sa mga host sa gitna ng stage.
"Whaaaaa! May pandadag supplies at cedmit na rin tayo! Ang galing ng ginawa natin!" dagdag naman ni Mimi na nagawa pang umikot sa tuwa. Napaka-hyper naman ng babaeng 'to ngayon na lagpas 20% sa normal niyang sigla.
Siyempre naman. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa bagay na ito? Isa 'to sa mga magandang bagay na nangyari sa buhay ng isang tao. Minsan lang talaga sa buhay ang manalo lalo na sa isang mahirap na kompetisyon.
Pero kahit kami ang champion, I could say congratulations to the rest of the college departments for their hard work and coordination. Ang hirap kaya ng mga ginagawa naming preperasyon na minsan pa'y nauuwi pa sa drama ang iba dahil ayaw makilahok o makinig sa nagtuturo.
The hosts gave us the golden big trophy along with the prize of 25,000 cedmit and 5 months' supply of food in each of our student's window. Hindi na rin kami magkakaroon ng problema sa mga kakailanganin namin sa susunod dahil dito. Maliban d'on, hindi ko na rin maririnig si Mimi na nag-eemote sa dorm sabay sabi na "I'm broke".
Ilang saglit lang ay bigla akong binuhat nila Ranzou, Emerson, at ni Ate Natalie na parang bata at iniitsa pa ako. Sumunod na rin ang iba pang mga kasamahan ko at para akong nasa concert sa mga pinaggagagawa ng mga 'to. Dito bumalik ang aking ulirat at ang nagawa ko na lang ay tumawa. Mga tinapang giliw talaga ang dalawang 'to kung ano pa ang naiisip na trip.
"Ikaw talaga ang alas namin commander!" masiglang sigaw naman ni Ranzou at ipinakita ang kaniyang malaking ngiti.
"All hail Commander Zenrie!" natatawang saad ni Emerson sa kabila. "That was really lit!"
"Saviour of the last part ka talaga namin 'day!" puri naman ni Ate Natalie. "Hindi ko alam kung anong hiwaga ang ginawa mo kanina, but you really put the stage on fire! Congrats ulit!"
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. We are so overwhelmed in receiving the award. Lahat ng ito ay resulta ng mga pinagpaguran namin sa loob ng dalawang buwan.
"Salamat," nakangiting saad ko na parang kinikiliti ng mga paruparo sa tiyan. "Pero hindi naman natin ito magagawa kung wala kayo at sa pagtutulungan natin. Congrats to us!"
"Sus! Pa-humble pa 'tong isa sa mga lead dancerist natin," nakangsing saad naman ni Mimi sa tabi at niyagyag pa ang kanang paa ko.
Natawa ako at lumingon sa kanya. Iba rin talaga ang babaeng 'to. Kung anong klaseng kalokohan ng mga salita na ang pumapasok sa kokote.
"It's better to be humble in success than a prideful fool in the end. Kapag ganoon kasi ang ginagawa ng isang tao, hinding-hindi magtatagal ang panalangin na dumating sa buhay mo at magdudulot pa ito sa'yo ng matinding delubyo na mismong pagsisisihan sa huli," pangangaral ko pa sa kanya.
Mimi snapped her fingers and pointed me with her innocent child smile. Sinusubukan pa niyang ilabas ang kanyang swag sa pagkakataong ito.
"'Yan ang words of wisdom natin ngayon! Sa bagay malaki rin ang punto mo Riri."
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 21.1: Before Nine O'clock
Comenzar desde el principio
