Next Part: First's Testament

3.6K 230 37
                                    



One week.

Sabi ko, magiging matagal ang one week for me kasi mag-isa na lang ako sa Cabin since wala na si Mr. Phillips, pero nagkamali ako.

Nailipat na sa anak ng Ikauna ang buong Helderiet na nailipat din naman agad pabalik sa mga Dalca dahil iisa lang naman iyon—at ako ang mga iyon, siyempre.

Noong gabi ng paglilipat ng karapatan ng Helderiet, pinauna na ako ni Mr. Phillips pabalik sa Cabin kaya hindi ko na siya nakita pang umalis. Akala ko, magiging malungkot at tahimik ang pag-uwi ko, pero wala pa man ako sa dulo ng asphalt road, ngiti na agad ni Poi bilang malaking white husky ang bumungad sa akin.

Ang lakas pa ng alulong niya habang nakikita ko ang mga taong putik, ang mga itim na asong kalaro ko sa gabi, si Bin na ma-attitude, at kahit si Johnny, naroon.

Sa gabing iyon, kung malungkot at dismayado ang buong Prios dahil sa pagkawala sa kanila ng Helderiet, maraming uri pala ang nagsasaya na naibalik na rin sa wakas ang buong Helderiet Woods sa tunay nitong may-ari.

Masaya ako para sa mga shifter kasi magiging malaya na sila sa Helderiet since wala nang bampirang magpapalayas sa kanila, pero nalulungkot din ako kasi bampira si Mr. Phillips at dekada rin silang naglalaban para lang sa teritoryo.

Sabi ko, magiging okay rin ang lahat someday kasi sabi ni Mr. Phillips, magiging okay rin kami soon. Pero hindi ko na alam kung sinabi lang ba niya iyon para huwag akong mag-alala kasi . . .

"Alam mo ba kung ano'ng meron sa timog?"

Hindi lang si Silas ang nagtanong n'on sa akin. Si Johnny, si Bin . . . si Poi. Tinatanong nila kung alam ko ba kung ano'ng meron sa south kasi doon na nga titira ulit si Mr. Phillips, at ang tanging alam ko lang ay may bahay siya roon.

"Bakit? Ano ba'ng meron sa south?"

One week.

One week akong hindi mapakali mula nang banggitin sa akin ni Poi na lahat ng mga bampira ay taga-north—tagarito sa Helderiet. At lugar ng mga hunter ang south.

Alam kong magandang lugar ang south at siguro, parang katulad din dito sa north, pero hindi binanggit—o hindi nilinaw ni Mr. Phillips na lugar ng mga hunter ang south.

Nabanggit niya na vampire hunter ang papa niya, at nabanggit din niyang lumalabas sa araw ang mga hunter para mag-hunt. Iyon, hindi ko ikakailang nasabi niya. Pero hindi niya sinabing ganoon ang aabutan niya sa south.

"Paano 'yon, Lance? Mapupuntahan n'yo ba siya?"

"Pasensiya na, Miss Chancey. Ang huling inutusan ng Prios na puntahan siya noong nakaraang Lunes, hindi na nakabalik nang buhay."

Sabi niya, isandaang taon siyang nabuhay sa south. Alam niya ang gagawin. Alam niya kung paano mabubuhay roon kaya huwag akong mag-alala. Kung alam ko lang na ganoon ang pupuntahan niya roon, e di sana pinigilan ko agad siya.

"Nasaan ang bahay niya?"

"Miss Chancey, itinago si Mr. Phillips mula sa pamilya sa loob ng matagal na panahon. Walang nakaalam kung nasaan siya."

"Hindi ba siya tumatawag sa inyo?"

"Hindi namin alam kung umaabot ba ang signal sa loob ng gubat."

One week.

One week na akong naghahanap. Kung puwede ko lang pigain lahat ng nakakaalam kung nasaan si Mr. Phillips, ginawa ko na.

Malaya na si Johnny na magsalita at gumala sa Helderiet Woods dahil naibalik na sa mga Dalca ang buong lupain. At nagpapasalamat ako dahil magkakakilala sila nina Poi.

Prios 2: Helderiet WoodsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt