xii. Caregiver

2.7K 235 13
                                    


"You're not yet through, Chancey. Tapusin mo 'tong ginagawa mo."

Gising na siya. Gising na siya!

"MR. PHILLIPS!" Tinakbo ko agad ang kama saka tumalon para yakapin siya. "WAAAHH! GISING KA NA!"

"Oh! Hey!"

Hala! Totoo ngang gising na siya! Naririnig ko na ang tawa niya!

Paglayo ko nang kaunti sa kanya, para na akong tangang tumatawa habang umiiyak.

"Mr. Phillips, hindi naman ako nananaginip, di ba?" naiiyak ko nang tanong sa kanya. "Gising ka na, di ba?"

Tinawanan na naman niya ako nang mahina. "Thanks to your naivety, I am."

Lalo akong naluha habang nakatitig sa mga pangil niya. Gising na nga siya, nakakangiti na ulit siya. Nagtaas ako ng tingin, ginto na ulit ang mga mata niya.

"I'm already awake, Chancey. I'm not dead, why are you crying?"

"Kasi gising ka na ulit . . ." Napahikbi agad ako habang nakatitig sa kanya. "Sabi kasi ni Eul, hindi raw siya sure na magigising ka na. Tapos sabi niya kanina, tulog ka pa rin. Kaya akala ko, di ka na magigising ngayon, e palalayasin na tayo rito sa Cabin."

"That's impossible."

Napasinghap ako nang bigla siyang tumayo habang buhat-buhat ako. Sa sobrang tuwa ko habang nakatitig sa kanya, naghalo na ang iyak at tawa ko.

"Sure ka, gising ka na talaga, ha?" tanong ko ulit. "Baka mamaya, nananaginip lang ako. Dalaw ka pa naman nang dalaw sa panaginip ko."

Ibinaba na rin niya ako at hinawakan ang mga kamay kong nakaangkla sa batok niya para alisin doon.

"I want to eat. Cook my dinner."

Mabilis akong tumango sa kanya habang nakangiti. Mauuna na sana ako pero hindi niya ako binitiwan.

"Bakit?" tanong ko pagkatingin sa kamay niya sunod sa mukha niya.

"I'll eat here. Dalhin mo dito pagkaluto mo."

"Okay." Tumango na lang ako saka niya ako binitiwan.

Matipid ang ngiti ko sa kanya bago ako lumabas ng kuwarto. Nakailang lingon din ako sa kanya para makasigurado kung namamalik-mata lang ba ako o hindi. Pero hindi siya nawala sa paningin ko kaya lalo akong natuwa kasi gumana nga ang ginawa namin kanina ni Zephy.

Ilang araw na rin naman na akong kumakain sa bagong kuwarto niya at sinabay ko na ang pagluto ng hapunan niya sa hapunan ko. Pagbalik ko sa second floor, napangiti na naman ako kasi hindi na nga talaga ako nananaginip. Gising na nga talaga si Mr. Phillips. Kaso nakasilip siya sa may bintana, nakatingin siya mula sa kama, doon sa bahagyang nakabukas na kurtina.

Malamang na sinisilip niya kung magsisilabasan na ba yung mga shifter sa labas kasi gabi na.

"Hindi kita papayagang lumabas tonight," sermon ko agad sa kanya.

Seryoso siya nang lingunin ako. Wala naman siyang sinagot.

"Mr. Phillips, hindi mo kailangang labanan sila."

"I have to."

"Bakit? Kasi sinabi ng pamilya mo?" Inilapag ko na sa mesang katabi ng kama ang dala kong tray saka ibinaba roon ang platong may lamang steak niya saka yung carton ng Red Water. Hinuli ko nang ilapag ang plato kong may lamang instant macaroni. "Mr. Phillips, alam mo, hindi naman puwedeng away lang kayo nang away ng mga monster sa labas dahil lang sa walang kabuluhang bagay."

Prios 2: Helderiet WoodsOnde histórias criam vida. Descubra agora