v. Missing Fae

3.1K 232 25
                                    


"Mr. Phillips, dapat gumising ka na. Pinalalayas na ako rito sa Cabin ni Mrs. Serena."

Ipon-ipon ko ang lahat ng folders sa table na dadalhin ko pagpunta ko bukas sa Prios para ipasa iyon. Sabi nga ni Mr. Phillips, kapag hindi siya available, ako ang gagawa ng trabaho niya. At hindi naman porke wala siyang malay, dapat wala na rin akong gagawin. Mas dapat nga akong magtrabaho ngayong wala siyang malay kasi walang gagawa ng trabaho niya para sa kanya kundi ako lang bilang sekretarya.

"Itatanong ko kay Eul kung sino ang may-ari nitong bahay. Kung kanino legal na nakapangalan itong Helderiet. Para kapag pinalayas ulit ako ni Mrs. Serena, may isasampal ako sa kanyang papeles kung sino ba ang puwedeng magpalayas sa akin dito. Nakakatakot pa rin kasi siya. Ang tagal na kasi niya rito sabi mo, di ba? Para yatang panahon pa ni Sir Jandre, buhay na siya."

Saglit akong sumampa sa kama at tinabihan siya. Inilapat ko ulit ang palad ko sa dibdib niya at naramdaman kong may tibok pa rin doon.

"Gagawa ako ng paraan para magising ka ulit, ha?" Sinuklay ko ulit ang buhok niya. "Pagkaalis nina Mrs. Serena, lalabas ulit ako ng Helderiet. Pupuntahan ko si Johnny. Kilala niya si Mama saka mukhang alam niya kung bakit laging nasa gubat si Mama dati. Itatanong ko kung close ba sila ni Marius."

Ding!

Nag-ingay na naman yung orasan. Alas-dose na. Aalis na sina Mrs. Serena.

Pumunta agad ako sa bintana at sumilip sa siwang ng kurtina. Naglalakad na papalabas ng Helderiet ang mga maid. Kasunod ang sedan na minamaneho ni Lance.

"Mr. Phillips, si Lance, hindi gaanong masalita sa alam niya. Pero parang may alam siya tungkol dito sa Cabin." Nilingon ko si Mr. Phillips na tahimik pa rin sa kama. "Di ko natandaan yung address ng bahay ni Eul pero sana makausap ko sila ulit ni Helene."

Pagbalik ko ng tingin sa labas, wala na sila.

"Mr. Phillips, si Jerry na tagaroon sa diner, sabi niya, dati raw siyang cook dito sa Cabin. Ewan ko kung naabutan mo siya. Kilala niya yata yung mama ko. Kilala niya rin si Marius Helderiet. Baka puwede ko siyang tanungin, baka may ideya siya kung paano ka ibabalik sa dati."

Isinara ko ang bintana at inayos ang kumot ni Mr. Phillips.

"Babalik din ako bago mag-sunset. Kapag nagising ka, narito sa nightstand yung phone mo. Tawagan mo ako agad, ha?"

Isinara ko nang mabuti ang kuwarto ni Mr. Phillips at lumabas agad ako ng Helderiet Woods para kausapin ang mga tao sa labas.

Hindi naman na naging usap-usapan ang Helderiet matapos bilhin ng private owner. Ewan ko kung sinong private owner 'yon hanggang makilala ko si Mr. Phillips. Pagkatapos mamatay ng may-ari n'on, wala nang nagtrabaho nang matagal sa loob. Bawal na rin kasing pumasok kapag walang clearance saka permit. Hindi rin ako familiar na may pinadadala pala araw-araw ang town hall para maglinis doon.

Kapa-kapa ko palagi ang sling bag ko para lang kung sakaling magising si Mr. Phillips at tumawag, masasagot ko agad.

"Welcome ni Belorian Diner!"

"Hi, Jerry!"

Walang gaanong tao sa diner kapag lunchtime. Hindi kasi sila nagluluto ng pagkain for lunch. Ang available lang nila ay breakfast saka meryenda na mamaya pang alas-tres madalas dayuhin.

"O? Aba!"

Napangiti agad ako nang mapansin kong nagulat siyang makita ako. Sumampa agad ako sa high stool at ipinatong sa counter ang mga braso ko.

"Isang chocolate shake, Jerry."

"May bago ka nang trabaho?" tanong niya at gumawa ng resibo saka itinusok sa pin patawid sa kitchen sa likuran niya. "Isang choco shake!" Dalawang beses niyang pinindot ang bell bago bumalik sa akin.

Prios 2: Helderiet WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon