xvii. New Threats

2.7K 234 41
                                    


Sa totoo lang, mas nangingibabaw sa ugali ni Mr. Phillips ang pagiging mabait niya, at hindi siya nagagalit nang bongga kapag ako na ang nanenermon sa kanya. Pero kapag nagiging seryoso na siya at bumibigat ang tono niya, naka-automatic activated na agad ang pagiging magalang ko para lang pakinggan ang lahat ng sasabihin niya.

Sabi niya, mag-usap daw kami. Hinayaan na namin sina Eul sa ibaba at umakyat kaming dalawa sa kuwarto niya.

Ilang araw na rin akong nagbubukas ng kurtina sa tulugan niya pero first time kong makapasok sa oras ng tulog niya na nakasara ang lahat ng kurtina.

Kumuha siya ng wooden chair at pinaupo ako roon sa katapat ng kama para magkausap kami nang masinsinan.

"Mr. Phillips, okay lang ba kayo?" usisa ko agad kasi mukha siyang problemado.

Bihira ko lang namang makitang problematic si Mr. Phillips. Madalas kasi, naka-smile siya o kaya parang ang daming sinasabi ng facial expression na magagandang bagay. Feeling ko talaga, dahil ito sa sinabi ni Eul.

"Okay, listen to me very carefully, Chancey," panimula niya.

"Yes, Mr. Phillips."

"You heard Eulbert, right?"

Tumango naman ako. Sabi na, kasalanan 'to ni Eul e. Ngingiti-ngiti lang 'yon pero mukhang kayang manira ng buhay ng may buhay ang isang 'yon.

"Bad news po ba 'yon?"

Ang lalim ng buntonghininga niya. Ah, bad news nga.

"My mother died few decades ago. She was forsaken by the family because of me and my mortal father. Helderiets live here, Chancey. And I came from south."

Tumango naman ako. "Sabi mo nga po."

"You see, kinokontrol ako ng pamilya pagkatapos mamatay ng Mamá. Kalahati sa akin ang bampira, kalahati ang tao. At ang kalahating tao sa akin ang hawak nila."

Oh, I see, I see. "Kaya ka nakokontrol n'ong black smoke."

"Precisely. It was Edric's curse."

Tumango na naman ako. Kilala ko si Edric. Yung intrimitidong bampira na nag-alok sa aking patayin ang sarili ko maliban pa kay Mr. Phillips.

"I thought I was free after you took that control out of my body, but I was wrong."

"Ibig sabihin, hindi ka pa talaga malaya sa family mo?"

Hala! Ano? Magkakahigupan na naman ba ng black smoke? Ayoko na, Diyos ko! Mamatay-matay na nga ako sa ginawa kong 'yon!

"It wasn't exactly like that, Chancey."

Saglit na huminto ang paghinga ko habang nakatitig sa kanya.

So, ano? Hindi pa sure?

"Natatandaan mo ang new contract natin, Chancey? Once you agreed, you'll be mine forever. Spiritually speaking, you are bounded to be with me until your final breath."

Tumango agad ako. Natatandaan ko. Nag-agree naman ako kasi ang alam ko, protection ko iyon para sa family niya habang narito ako sa Cabin.

"May kinalaman ba 'yon sa sumpa sa 'yo ni Edric?" tanong ko agad habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Somehow, yes. Now, this is the case." Kinuha niya ang kamay kong may singsing at hinimas-himas iyon. "Half of my soul is inside this ring. You accepted it. The ring accepted you as its new owner. Technically, you married me because of this. Your soul is bounded in me until you die."

"Oh! So . . . ibig sabihin, hawak ko ang kalahati ng kaluluwa mo dahil dito sa singsing?"

"Consider that as a yes."

Prios 2: Helderiet WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon