xxxi. Vampire's Dilemma

2.5K 209 2
                                    

Ayokong makita si Edric. Kahit na anong dahilan ko para gantihan siya, ayoko pa rin siyang makita, lalo na ang makalapit sa kanya.

Kaya hindi mawala-wala ang kilabot ko habang nakikita siya sa harapan ko. Lalo na't pinalilibutan ako ng itim na usok mula sa kanya kaya hindi ako makagalaw.

"You got me last time, mortal." Kinumpas-kumpas niya sa 'kin ang hintuturo niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Kalmado lang siyang magsalita, hindi siya sumisigaw, hindi siya nagagalit. "You see, it will not going to happen if you died prior this meeting."

"Mmm—!" Nanakit agad ang braso kong nakadikit sa pader na sinasandalan ng buong katawan kong hindi makagalaw. Kahit anong pilit kong kumilos, hindi ako makakilos nang maayos. Kahit ang bibig ko, hindi makapaglabas ng kahit anong salita.

Ngayon ko kailangang ulitin ang ginawa ko noong nakaraang meeting pero hindi makagalaw ang kamay kong may singsing.

"Van is really weak. And we don't need any weakling in the family." Nagpalakad-lakad siya sa harapan ko. Pinagdarasal ko na since nasa restroom naman niya ako dinala, sana may pumasok na ibang tao—o kahit sinong nilalang na lang na puwede siyang pigilan.

Mr. Phillips . . . tulungan mo 'ko.

Hindi ko alam kung paano ba gumagana ang telepathy niya. O kung naririnig ba niya 'ko, o nararamdaman niyang nasa panganib nga ako gaya ng sinasabi niya.

Ang tagal niyang dumating.

Bakit sobrang tagal niyang dumating?

"Humans are food. And I don't think you're a food, mortal." Lumapit na naman siya sa 'kin at tumayo sa harapan ko. "I thought . . ." Tumingin pa siya sa itaas at lalo akong nainis kasi pinaglalaruan na lang niya 'ko. ". . . Van's pet would be a nice prey so I let him eat you alive. And then, there was you throwing us outside our land."

Hindi sa inyo ang Helderiet Woods! Tumahimik kang bampira ka!

"Ah, I love that look in your eyes. The overflowing disgust, the brimming terror . . ." Ngumisi siya at nakita ko ang nakakainis niyang pangil na gusto kong bunutin lahat.

Kapag talaga nakatakas ako rito, hinding-hindi ko siya patatawarin.

"We really thought that Van was just being so sentimental about his pets. But then there's you . . ."

"Mmm! Mmm!"

Layuan mo 'ko, buwisit ka!

Hinawakan niya 'ko sa pisngi at pinagapang ang kamay niya pababa sa leeg ko.

"Van has a food beside him and he's not eating it. I loathe abstinence. What a shame."

"Mmm!"

Pilit kong iniwas ang sarili ko kahit wala naman akong ibang matatakbuhan.

Napapikit ako nang mariin nang ilapit niya ang sarili niya sa 'kin at inamoy ang leeg ko.

"I smell fear . . ." Lalo lang akong nanigas habang pinipigilan kong huminga. ". . . and power."

Hindi ko na napigilang maiyak sa sobrang takot.

Nasaan na ba si Mr. Phillips? Bakit hindi pa siya dumarating dito?

"Did Van tells you how beautiful you are, mortal?"

Pilit kong pinipigilan ang panginginig ng labi ko habang mariing nakapikit. Ayoko siyang makita. Ayoko siyang maramdaman. Gusto ko na lang mawalan ng malay para hindi ko siya marinig at malaman ang ginagawa niya sa 'kin.

Ayokong marinig ang mahinang tawa niya. Kinikilabutan ako, para akong binabangungot nang gising.

Naramdaman kong binababa niya ang manggas ng damit ko kaya lalo lang dumiin ang pagpikit ko.

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now