vii. Sleeping Beauty

2.8K 237 37
                                    


Sayang-saya na ako kanina kasi may sagot na sa lahat ng issue ko sa buhay tungkol kay Mr. Phillips dahil sa sinabi ni Johnny, tapos bigla siyang bumanat ng "Sa katunayan, wala akong idea kung paano mo gagawin 'yon. Wala pa kasing nakagagawa."

Like, hello? May way, pero walang may alam kung paano yung exact way?

Hindi nga raw kasi normal na nake-cleanse ang singsing, pero aware sila sa history n'on. E di ganoon pala kahirap humanap ng mabait sa Earth.

Wow, ang bait ko pala, ha-ha!

Pero hindi ko pa rin alam kung paano aayusin si Mr. Phillips!

Nakakaloka na 'to, ha. Kung kailan naman nalaman ko na ang sagot, saka pa ako tinanong ng bagong tanong.

Ewan ko na mundo. Ang daming issue sa buhay, dinadamay ako. Gusto ko lang namang magkatrabaho, kung bakit naman kasi ganito ang kinabagsakan ko. Sana talaga, nag-apply na lang akong service crew sa McDo.

Alas-singko, bumalik ako sa Cabin. Walang tawag kay Mr. Phillips, at pagpasok ko sa kuwarto niya, kung paano ko siya iniwan, ganoon ko pa rin siya naabutan.

Inilapag ko ang bag ko sa upuan sa dresser at sumampa ulit sa kama. Inilapat ko na naman ang palad ko sa dibdib ni Mr. Phillips at naramdamang may tibok pa rin naman doon.

Nagbuntonghininga na lang ako at humiga sa tabi niya.

"Mr. Phillips, nakausap ko na si Johnny. Shifter pala siya. Kanina ko lang nalaman." Ipinatong ko ang kaliwang pisngi ko sa kanang balikat niya at pinalakad ko na naman ang dalawang daliri ko sa dibdib niya para maglaro. "Mabait si Johnny. Di siya gaya ng shifters na laging umaaway sa 'yo gabi-gabi."

Sumaglit ako ng tingala sa mukha niyang tulog pa rin.

"Para sa kanila, masama kayong mga bampira. Para sa 'yong bampira, masama silang monsters. Paano 'yon? E di palagi kayong mag-aaway kapag nagkikita-kita kayo?"

Ang bigat ng buga ko ng hininga. Nakaka-stress naman ayusin 'tong problema ni Mr. Phillips. Ang akala ko pa naman, Beauty and the Beast ang peg namin, bakit naman naging Sleeping Beauty na?

"Bukas, pupunta ako ng Prios. Ipapasa ko yung documents na napirmahan mo noong nakaraan saka yung pipirmahan ko ngayon. Nag-check ako ng copy ko ng contract ko sa 'yo. Sabi roon, authorized pala akong pumirma ng mga pinipirmahan mo. Kakausapin ko na lang si Eul. Sasabihin ko na i-double check lahat ng documents para hindi ka magkaproblema paggising mo."

Tumayo na ako at inayos ulit ang kumot niyang nagusot paghiga ko.

"Aakyat lang ako sa taas, kukuha ako ng damit mo."

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang trabaho ko ngayon.

Sekretarya? Nurse? Housekeeper?

Naninibago tuloy ako sa kuwarto ni Mr. Phillips. Papalubog na kasi ang araw at nakabukas ang bintana. Ganitong oras, hindi pa ako puwedeng pumasok sa loob kasi may araw pa at tulog pa siya. Ngayon, kailangan kong pumasok at mangialam ng gamit para asikasuhin siya.

Hindi ko naman ine-expect na magbe-babysit ako ng bampira.

"All my bags are packed, I'm ready to go . . . I'm standing here outside your door . . . I hate to wake you up to say goodbye . . ."

Binuksan ko ang walk-in closet niya at para akong sinasampal ng amoy niya pagbukas ko ng pinto. Amoy matamis na dessert talaga ang pabango niya. Ewan ko, parang ang sarap palaging papakin.

"But the dawn is breaking, it's early morn . . . The taxi's waiting, he's blowing his horn . . . Already I'm so lonesome I could die . . ."

Ang dami niyang damit. Karamihan, de-butones. Nagsusuot ba siya ng T-shirt? Parang hindi uso sa kanya ang mga damit na hindi komplikadong isuot.

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now