xxxiii. Dominant and Submissive

2.5K 211 8
                                    

Damang-dama ko talagang binabagabag si Mr. Phillips tungkol sa sinabi niya. At mukhang napagod talaga siya sa nangyari sa Prios. Hindi naman kasi siya usually natutulog sa gabi, pero nakatulog siya kahit ala-una pa lang ng madaling-araw.

Ako, oo. Oras talaga ng tulog ko nang ganitong oras, pero siya?

Ako tuloy ang hindi makatulog. Nakatitig lang ako sa mukha niya kahit medyo madilim. Nagbukas lang ako ng lampshade kasi wala naman kaming trabaho, tapos suspended pa siya.

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o ano. Kung tutuusin naman kasi, puwede naman siyang mag-stay rito. Although, delikado kasi para ko na ring sinabing welcome na rin sina Edric dito sa Cabin, pero kasi . . .

Ayoko rin namang mag-isa rito. Sa totoo lang, nandito lang naman ako kasi nandito siya. Kung wala siya rito, aalis din naman ako at baka lumipat ng ibang apartment. Nakita ko nga sa bagong phone ko yung bank account ko sa online. Legit na may sahod na 'ko. May pera na 'ko para makarenta ng bahay sa labas.

Kung huwag ko kayang sabihin sa kanyang titira ako sa labas? Magagalit kaya siya?

Hindi ko naman kailangang tumira dito sa Cabin kung wala naman na 'kong gagawin dito. Kasi sabi niya, kapag nailipat na sa 'kin itong Helderiet, hindi na rin niya 'ko sekretarya. Ibig sabihin, wala na rin akong trabaho.

Wala na naman akong trabaho.

Hindi naman na niya 'ko mabibigyan ng trabaho kung sakali. Kailangan ko na nga talagang maghanap ng bagong pagkakakitaan.



***



Pakiramdam ko, pagod talaga si Mr. Phillips. Nauna kasi akong bumangon sa kanya. O baka hindi lang ako nakatulog nang maayos kasi nasanay na ang katawan kong gising sa gabi at tulog sa araw. Alas-tres pa lang, nakaligo na 'ko. Alas-kuwatro, kumain na 'ko ng almusal. After thirty minutes, bumaba na agad ako sa kusina para magluto ng almusal ni Mr. Phillips habang hindi pa siya bumababa.

Pagbukas ko ng ref, bigla kong naisip na hindi ko na pala malulutuan si Mr. Phillips ng steak niya kapag umalis na siya sa Cabin. Hindi na rin siya makakapag-demand na subuan ko siya.

Ano kaya'ng itsura ng bahay niya sa south? Kasinlaki kaya ng Cabin 'yon? Mansiyon din kaya gaya ng bahay nina Eul? Mukha naman kasi siyang mayaman. Baka malaki rin ang bahay niya.

Pero sino ang mag-aasikaso sa kanya roon? May mga maid ba siya? Kung meron nga, pakakainin ba nila siya gaya ng ginagawa ko?

Paano kung mga babae yung mga maid niya? Tapos magaganda? O kahit hindi na maganda, kahit babae na lang. Paano kung kailangan niya ng dugo ng tao? E di babalingan niya yung mga maid niya?

Ay, hindi naman ako papayag sa sa ganoon. Ibang usapan na 'yon. Ano? Gagaya siya kay Edric? Pagkainom ng dugo, hahayaan na lang yung biktima niya? Hindi puwede 'yon.

"Chancey."

Mabilis akong tumalikod at bumungad agad si Mr. Phillips sa pintuan ng kusina. Suklay-suklay niya ng daliri ang magulo niyang buhok. Pagtingin ko sa wall clock sa itaas niya, alas-singko na pala ng umaga.

"Ilan yung maid mo sa bahay mo sa south?"

Natigilan siya at tinaasan agad ako ng kilay. "Excuse me?"

"Gaano kalaki yung bahay mo sa south? Sino'ng mga kasama mo roon? May mag-aasikaso ba sa 'yo?"

"Chancey, why are you asking all of a sudden?" Lumapit siya sa puwesto niya sa mesa, doon sa gitna ng kusina, pero natigilan siya nang ibagsak ko sa table ang platong may steak.

Tiningnan niyan yung plato tapos mukha ko.

"What's the matter?"

"Anong 'What's the matter' ka diyan? Doon sa south, may kasama ka ba ro'n? May sekretarya ka? May personal alalay ka?"

Prios 2: Helderiet WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon