xxxix. Numen

3K 239 13
                                    


Sinabi ko kay Mr. Phillips na gusto ko siyang makasama sa pagtulog ko kasi hindi ko na alam kung kailan ulit kami susunod na magkikita. Pumayag naman siya. At gaya ng nakasanayan, gumising ako nang alas-singko nang madaling-araw para lutuan siya ng almusal.

Gusto kong maging okay kami . . . ulit. Kahit na hindi ko pa rin matanggap ang desisyon niyang pag-alis.

Para nga akong tanga. Hindi naman siya mamamatay pero kung makaaiyak ako, parang wala nang bukas.

Ipinagluto ko na lang siya ng steak at natigilan ako kasi isa na lang ang natira maliban pa sa iluluto ko para sa almusal. Isa na lang din ang carton ng Red Water doon. Gusto ko sanang itanong kina Mrs. Serena kung sinadya ba nilang huwag nang magdagdag ng excess supply kasi alam nilang aalis na si Mr. Phillips kaso baka ako naman ang pagbuntunan ng sisi at sabihing kasalanan ko kaya mapapaalis itong isa sa Cabin.

"You should stay in your bed, Chancey."

"Ayos lang. Hindi ko naman alam kung kailan ulit kita maipaghahanda ng breakfast mo."

Inilipat ko na sa plato ang steak at binalikan ko na si Mr. Phillips sa palaging puwesto niya na ilang araw din niyang hindi tinambayan.

"Magre-request sana ako ng video call kaso hindi nga pala kayo nagre-register sa camera," sabi ko at itinapat na ang karne sa bibig niya. "Ah."

"I'll still call you daily. Don't worry about it." Kumagat siya nang malaki at tinitigan na naman ako habang ngumunguya siya.

Gusto ko sanang ngumiti nang matamis pero nahihirapan ako. Lalo na kapag naiisip kong bukas nang umaga, hindi ko na siya makikita rito. Hindi na rin ako bababa rito sa kitchen para magluto para sa kanya. Hindi ko na rin siya masusubuan gaya ng ganito.

"Nagsisisi ka bang nakilala mo 'ko?" tanong ko habang malungkot na nakatitig sa mga mata niya.

Kumagat na naman siya at nakangiting ngumuya. "Why would I?"

"Kasi hindi ka mahihirapan nang ganito kung hindi mo 'ko nakilala."

Hinawi lang niya ang buhok ko sa mukha at inipit sa likod ng kanang tainga ko. "I will regret it if I've never got a chance to know you in this lifetime."

Gusto ko sanang matuwa pero alam kong pampalubag-loob lang niya iyon sa akin kasi aalis na rin siya pag-uwi ko rito.

"It's an honor to meet you. Aside from the fact that you're the child of the First. You're such a wonderful person, Chancey."

Kinagat na niya ang huling piraso ng karneng nasa hawak ko at hinatak niya ako papuntang lababo.

"Hindi mo ba—"

"I'm just giving myself a reason to go back here."

Napatingin na lang ako sa kamay kong binabanlawan niya ng tubig sa gripo.

"Hindi ka ba mahihirapan sa south?" tanong ko pagtingala ko sa kanya.

"We can't avoid the adjustments. But I can handle it." Hinalikan niya lang ako sa pisngi at hinatak na ako paalis sa kusina kahit hindi pa ako nakakapag-imis ng mga ginamit ko.

Naiiyak ako sa loob-loob ko habang nakikita ko siya. Nangingilabot ako.

Binuksan niya ang pinto ng mansiyon tapos umupo kami sa sahig. Medyo maliwanag na pero hindi pa sumisikat ang araw. Mangasul-ngasul nga lang ang paligid at nakikita naman na.

Sabay kaming napabuntonghininga nang matulala kami sa may damuhan. Unang beses kasi kaming tumambay sa may pinto ng mansiyon. Wala naman kasing tambayan rito. Ang madalas kong upuan, doon pa sa kaharap naming hagdan, sa dulo ng lilim ng verandah.

Prios 2: Helderiet WoodsМесто, где живут истории. Откройте их для себя