xxi. Suicide

2.6K 221 7
                                    

Nagdududa na talaga ako sa ikinikilos ni Mr. Phillips. Ewan ko ba, lalo akong pinakakaba ng pananahimik niya. Ayos lang naman na magalit siya sa akin, pero mas gusto ko pang sinisigawan niya ako kaysa sina-silent treatment niya. Kinakausap naman niya ako, pero mananahimik din kalaunan.

At ang pinakamabigat sa lahat?

"Ito na yung dinner n'yo, Mr. Phillips."

Maaga akong naghanda ng mesa para sa pagkain niya.

Kumain siya. Sa dining table. Nang nakatinidor at steak knife. At naka-water goblet pa sa Red Water.

Mabilisan akong pumunta ulit sa kitchen nang hindi man lang siya nagsalita pagkalapag ko ng plato sa mesa.

Nagugutom ako pero nawalan ako ng gana habang iniisip ko na talaga ngang galit siya. Kasi kung hindi siya galit, malamang na hindi ko kailangang maghanda ng mesa para sa kanya.

Nagtimpla ako ng hot oatmeal at iyon na lang ang hinapunan ko kahit na hindi ako gaanong mabubusog.

Ngayon ko lang naman naistorbo si Mr. Phillips sa tulog niya, grabe naman mag-react. Parang nangwasak ako ng buhay.

Feeling ko tuloy, back to zero ulit kami kasi ganito rin ako noong first day ko. Nakatago sa likod ng pinto habang pinanonood siyang kumain nang mahinhin.

Haaay. Sige na nga, magbe-behave na ako. Kaysa naman magalit ulit siya e hindi na nga siya namamansin nang matino.

Hinintay ko na lang siyang matapos kumain bago ako lumabas ng kusina. Sinadya ko na ngang lumabas pagkatayo niya sa upuan.

"Okay ka na?" tanong ko pa. Hindi siya sumagot, kinuha lang ang phone sa bulsa saka umalis ng dining area.

Grabe.

Grabe talaga siya.

Habang tumatagal, lalo lang sumasama ang loob ko. Ganoon ba talaga kalaki ang issue niya kapag iniistorbo siya sa pagtulog?

Anong gusto niyang gawin ko? Manikluhod? Magmakaawa? Grabe siya. Hindi ko naman ginustong panain mula sa malayo e araw-araw naman akong namamasyal sa Cabin. At hindi nga ako malayo sa mansiyon, sa totoo lang! Si Lance nga, natawag ko pa.

Pagkatapos kong maghugas ng plato, dumiretso na ako sa sala. Naabutan ko roon si Lance na nakangiti nang matipid sa akin.

"Halina kayo, Miss Chancey. Nasa sasakyan na si Mr. Phillips."

Ay, grabe na talaga.

Hindi man lang ako hinintay?

Inakay na ako ni Lance sa sasakyan at siya na ang nagbukas ng pinto ng back seat para sa akin.

Papalubog pa lang ang araw, at unang beses kong lalabas ng Cabin nang ganitong oras. Kadalasan kasi, ganitong oras ako bumabalik dito mula sa labas.

Pag-upo ko sa loob, naabutan ko si Mr. Phillips na naka-focus lang sa phone niya. Seryoso ang mukha niya roon, parang may hindi maganda sa screen pero tingin pa rin siya ng tingin.

Gusto ko sanang itanong kung anong issue niya at grabe siyang magtampo kaso ayoko na lang magsalita. Malamang na hindi na naman niya ako sasagutin kahit anong daldal ko.

Nagsumiksik na lang ako sa may pinto ng sasakyan habang pinanonood ang mga puno papalabas ng Helderiet Woods.

Ngayon na lang ulit ako makakalabas ng Helderiet. Mula kasi noong sunduin ko si Zephy, hindi na ulit ako nakaalis.

Kumusta na kaya si Zephy? Safe naman kaya siya? Ni hindi ko man lang siya natawagan para malaman kung ayos lang ba siya.

"Chancey."

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now