xx. Colder than Cold

3K 211 5
                                    

Pangalawang Sunday ko na sa Cabin, at hindi gaya noong unang Sunday ko, mukhang magkakaroon na ng family meeting si Mr. Phillips at kailangan na yata akong ipakilala bilang asawa niya.

Doon ako bumawi ng idlip sa kuwarto niya, at dahil nakiusap akong mag-behave siya, nag-behave naman siya. Apat na oras na tulog, at gumising ako nang alas-nuwebe pasado na. Tulog na siya nang bumangon ako. Hindi siya mahilig magbukas ng ilaw kapag natutulog pero nagbukas pa rin siya ng lampshade at nagtalukbong na lang ng kumot.

Sabi niya, huwag akong aalis sa kuwarto niya para hindi ako mahuli ng mga alagad ng pamilya niya sa labas, pero sa mga ganitong oras naman, tumitili na si Mrs. Serena sa ibaba ng mansiyon kaya sure akong safe ako habang narito sila at nagtatrabaho.

Hindi naman ako nagkamali, pagbaba ko, tamang ronda lang si Mrs. Serena sa ground floor at nanonood ng paglilinis ng mga maid galing town hall.

Nang magtama ang tingin naming dalawa, inaasahan kong babanatan ako ng "Buhay ka pa rin?" kaso matalim lang ang tingin nang bahagyang yumuko.

"Magandang umaga, Madame," walang buhay niyang pagbati saka ibinalik ang tingin sa mga maid na nagpapagpag sa living room.

Pinandilatan ko lang siya ng mata habang nanlalaki ang butas ng ilong.

True ba? Binati ako ng good morning tapos madame? Sabi?

"Hi, Lance!" masayang bati ko kay Lance habang pasulyap-sulyap kay Mrs. Serena na busy na sa panenermon niya sa mga maid na kasama.

"Good morning, Miss Chancey."

"Tinawag akong madame ni Mrs. Serena," sumbong ko kay Lance pagkalapit ko sa kanya. "Kinikilabutan ako, labas sa ilong yung greetings."

Tinawanan lang niya ako nang mahina.

Bakit parang ang saya-saya ng mga lalaki sa Cabin na 'to? Bihira lang silang hindi tumawa kapag kinakausap ko.

"Lance, susunduin mo ba kami mamaya rito? Di ba, may meeting daw sa Prios?"

Nginitian na naman niya ako saka tumango. "Mamayang alas-siyete ang meeting, Miss Chancey. Bago lumubog ang araw, narito na ako."

"Hindi pa kita nakikitang pumunta rito nang gabi," sabi ko.

"Dahil bawal kami ritong magtagal, Miss Chancey."

"Kasi may mga monster sa labas? Inaaway rin ba nila kayo?" Tinawanan na naman niya ako. "Ang saya mo naman, Lance. Tawa ka nang tawa."

Dahil sa sinabi ko, lalo lang siyang natawa nang mahina. Nagtakip pa siya ng bibig gamit ang nakakuyom na kamao.

"Dahil ang lugar na ito ay kulungan para kay Mr. Phillips," mahina niyang paliwanag sa akin sa mas seryoso nang tono.

"Kulungan?" takang tanong ko.

May nabanggit si Mr. Phillips na pinarurusahan siya kaya siya narito, pero grabe namang kulungan ito. Sa lahat yata ng kulungan, ito yung maganda at bongga.

"Ibig sabihin, nakakulong din ako?"

Bakit parang hindi ko naman maramdamang nakakulong ako rito. Feel at home na nga ako e.

"Sabihin na nating maraming nagbago sa lugar na ito sa pagdating mo, Miss Chancey. Hindi ko na rin masasabi kung kulungan pa ba ito para kay Mr. Phillips dahil sa iyo."

"Kung ganito rin lang naman ang magiging kulungan ko, hindi ko talaga masasabing kulungan nga 'to," sabi ko.

Saan ka ba naman nakakita ng kulungan na sobrang lawak tapos may supply ka pa ng foods daily, saka may tagalinis ka pa araw-araw, plus may secretary ka pa!

Prios 2: Helderiet WoodsМесто, где живут истории. Откройте их для себя