ii. Sunset Dilemma

3.3K 241 20
                                    


Kahit anong isip ko sa pakiusap ni Eul, hindi ko talaga siya naintindihan. Ako raw ang magbabantay sa Cabin sa mga monster, e si Mr. Phillips nga, nagagalit kapag lumalabas ako ng kuwarto.

Naglakad na siya papuntang pintuan at sumunod naman ako para makababa na rin kung nasaan si Mr. Phillips natutulog. "Kailangan ko nang umuwi. Magtatrabaho pa ako mamayang gabi, Miss Chancey."

"Hala!" Napatingin na naman ako sa bintana. Papalubog na ang araw. "Hindi ka pa ba natutulog? Baka mapuyat ka!"

"Huwag kang mag-alala. Hindi namin kailangang matulog."

"Seryoso?" Ngumiti lang siya at tumango sa 'kin.

"May sapat naman akong pahinga habang binabantayan ka rito kanina."

"Oooh, I see-EH?!" Napaurong agad ako sa kanya bago pa ako makatapak palabas ng kuwarto. "Ikaw ba yung nagbihis sa 'kin?! OMG, Eul, OMG talaga-!"

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako mag-isang pumunta rito. Isa sa mga maidservant ng Cabin ang nagbihis sa 'yo."

Ack! Shit, mini heart attack! Akala ko, siya ang nagbihis sa 'kin, sayang naman. Joke.

Matapos niyang isara yung pinto ng kuwarto, hatak-hatak ko na lang yung cuff ng long sleeves na suot ko habang pababa kami ng third floor. "Eul, salamat pala, ha? Siguro kung wala ka rito para pagalingin ako, baka baldado pa rin ako until now. Wala pa naman akong pambayad sa ospital."

"Walang anuman. Isipin mo na lang na isang masamang panaginip ang nangyari kagabi."

Isang masamang panaginip.

Ang underrated naman ng comparison. Masamang panaginip pero muntik na kaming mamatay.

Ang tahimik talaga sa Cabin. Sanay naman ako na tahimik sa mansiyon, pero kasi kagabi, sobrang ingay namin. Sigaw ako nang sigaw. Sigaw nang sigaw si Mr. Phillips sa monster mode voice niya. Tapos nakakabanas pa yung pagiging kalmado nina Morticia.

Nanto-torture ka ng sarili mong kamag-anak, ang kalmado mo? Wow, so heartless naman, ser? Ako ngang walang tino-torture, hindi ako makakalma.

"Ito lang ang silid dito sa Cabin na malayang nabubuksan nang walang susi," paliwanag ni Eul paghinto namin sa harapan ng pangalawang pinto mula sa hagdan, malapit sa painting ni Marius Helderiet.

Siya na ang nagbukas para sa akin ng pinto.

Eto na naman yung tibok ng puso kong parang nakikipag-sparring sa rib cage ko. Yung anxiety level ko, tumataas na, ha. Grabe naman sa suspense, ser.

Ang dilim pagbukas ng pinto.

Sobrang dilim kahit hapon pa lang naman at may araw pa. Hindi ko alam kung paano dumilim nang ganoon, pero may ilang liwanag na sumisilip sa bintana. Mukhang pinalitan ang kurtina. O baka tinakpan lang ng mas makapal na tela.

"Pwede ko bang buksan yung ilaw?" nakangiwing tanong ko agad kay Eul.

"Kung magigising siya roon, bakit hindi?" sagot niya. "Basta hindi galing sa araw, ayos lang."

Nagbukas ako ng ilaw at bahagya akong napapikit nang sumabog ang liwanag sa loob.

Napangiwi na lang ako kasi iniba nga ang kurtina ng makapal na itim. Kapag tinatanaw sa labas ng Cabin, halos lahat ng kurtina, puti. Pagtingin ko sa grandfather clock na malapit sa kama, alas-singko y medya na.

Ang tagal ko palang nakatulog. Kawawa naman si Eul, inabutan na ng hapon kababantay sa akin.

"Eul, ako na'ng bahala rito," nahihiyang sabi ko sa kanya. "May number ka naman sa 'kin. Kapag may emergency rito sa Cabin, tatawag agad ako."

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now