xxii. Paragon

2.6K 225 3
                                    

Akala ko, gawa lang ng pagkakaistorbo ko sa pagtulog ang pananahimik ni Mr. Phillips. Kabadong-kabado pa naman ako na parang maling-mali na namasyal ako sa Cabin habang natutulog siya kahit na sinabihan na niya akong huwag lalabas.

Pero habang tinitingala ko siya, mukhang hindi tungkol sa paglabas ko at pag-istorbo sa tulog niya ang dahilan kaya siya nagagalit. Mukhang balisa siya sa mas seryosong bagay, at pakiramdam ko, pamilya niya ang dahilan n'on.

Hindi naman ako sanay na magulo ang pamilya ko. Mahal na mahal ako ng mama ko. Si Papa, binibigay naman ang gusto at kailangan ko kapag kaya niya. Hindi komplikado ang buhay ko pagdating sa pamilya di gaya ng buhay ni Mr. Phillips. Kaya nga hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanyang magiging okay rin sila ng pamilya niya kung sila mismo ang may ayaw sa kanya.

Nasa 40th floor kami ng Prios building. Mataas na para puntahan ng gaya ko kasi for executives lang naman itong lugar. Marami pa ring salamin sa dingding ng hallway, pero black naman. At compare sa elevator, nakikita ko na si Mr. Phillips sa reflection. Hindi ko alam ang pagkakaiba ng puting salamin sa itim na salamin para mag-reflect siya.

Dumiretso kami sa dulong office na may malaking pinto. Siya na ang nagbukas n'on kasi nang sinubukan kong mauna, kahit anong tulak ko, hindi talaga bumubukas.

Kakaiba ang lamig sa conference room na pinasukan namin. Chilling na ang air-con sa labas, pero doble sa loob. Kahit naka-suit na ako, tumatagos pa rin sa baga ang lamig.

Akala ko, malawak na ang labas ng isang floor. Pagpasok doon, para akong nakatingin sa isang mini theater na kulay puti lang ang pintura sa paligid.

Maliwanag kahit nakasara ang mga kurtinang kulay puti rin naman. May malaking curved screen sa harapan at may stage doon na may stand sa gitna para sa speaker. Pa-curve din ang itsura ng mahabang table na may kanya-kanyang elevated platform, at ang dami na nilang naroon. Pagpasok namin, wala namang lumingon. Kahit yung mga nakatayong mga tao sa may dingding—mga secretary din siguro.

Sinundan ko lang si Mr. Phillips. Ang ine-expect ko, mahabang mesa na parang dining table ang meeting table nila, pero mas mukha silang may film showing. Wala man lang upuan para sa chairman. Itinuro lang ni Mr. Phillips ang dulo ng hilera ng mga secretary sa dingding kaya dumoon na lang ako. Umupo lang siya sa dulong upuan sa harapan. Yung katabi niya, kulang-kulang isang metro din ang layo sa kanya sa laki ng distansya. Ganoon din naman sa iba.

Nakatayo ako nang deretso, ginagaya ko ang ayos ng mga katabi ko. Deretso lang din ang tayo nila at mukha silang mga tulala. Ewan ko ba. Parang yung mukha ni Nielsen noong unang beses ko rito sa Prios. Nakatingin sa kung saan pero walang tinatanaw.

Pasulyap-sulyap ako sa mga katabi ko at sa buong board na nakaupo.

Sana hindi matagal, baka mahilo ako sa tagal ng pagtayo ko.

May magandang babaeng pumunta sa harapan. Tiningnan ko pa kasi parang pamilyar.

"Si Helene," mahinang bulong ko nang makilala ko siya.

Hindi siya mukhang diyosa ng kagubatan this time. Naka-bun ang buhok niya at naka-formal suit pa. Naka-white midi dress na pinatungan ng white coat. Bagay siya sa lugar na puting-puti. Para siyang yung may-ari ng buong conference room.

"Ladies and gentlemen, we will now start our meeting," paunang bungad niya sa lahat.

Mukhang si Mr. Phillips lang talaga ang hinihintay.

Ang seseryoso nilang lahat, lalo akong kinakabahan. Nagpapaliwanag si Helene ng tungkol sa status ng Prios Holdings saka ng subsidiaries. Wala pa akong naririnig na bad news sa kanya, lahat ng sinasabi niya, positive naman.

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now