xxxv. Travel Time

2.5K 210 3
                                    

Lunch time at ilang araw na rin akong hindi lumalabas nang Cabin kapag tanghali. Sinasabi kasi ni Mr. Phillips na delikado gawa ng mga assassin ng mga bampira, pero kung nagawa nina Reed na mahuli ang mga iyon nang walang kahirap-hirap, ibig sabihin, mas madali pa palang utusan ang mga fox na hindi nakakasagot sa akin nang maayos kaysa sa kanila nina Eul na nakakapag-isip naman nang kung paano mag-isip ang normal na tao.

Hindi ko kasi talaga maintindihan noong una e. Alam kong delikado. Yung palaso, delikado naman talaga. Kahit ako rin naman ang pumana sa kanila, talagang mamamatay sila. Pero kung hindi nahuli nina Reed ang mga kalaban sa Helderiet Woods, hindi ko paninindigan ang paniniwala kong pinoprotektahan talaga ni Mr. Phillips ang pamilya niya.

Wala na akong pakialam kung piliin niya ang pamilya niya. Basta ako, kung ano ang gusto ko, iyon ang susundin ko.

Whole day akong magkukulong sa Cabin? Nakakabaliw nga magtagal sa mansiyon buong araw, mabuti sana kung sanay akong walang ginagawa. E buong buhay ko, ang active-active ko. As if namang may choice akong tamarin e hindi naman ako mayaman para walang gawin sa buong araw.

Nagbihis agad ako ng itim na pullover saka jogging pants. Ang tagal kong hindi nasuot ang runners ko kaya ang sarap sa feeling na hindi ako nakapaa o kaya naka-sleeping slippers.

"Chancey, where are you going?"

"Miss Chancey!"

"Miss Chancey, pag-isipan mong mabuti ito."

Sinalubong agad ako ng tatlong lalaking—kung ano man sila—bago pa ako makalapit sa pintuan ng mansiyon.

"You better not," mariing sabi ni Mr. Phillips nang hawakan ako sa braso. Kunot na kunot ang noo niya kaya kinunutan ko rin siya ng noo.

"Bakit? Kasi natatakot kang mamatay ako kasi mamamatay ka rin?"

"We already talked about this, Chancey. Don't make me repeat myself."

"E di don't make me repeat myself din! Hindi ako magkukulong sa bahay na 'to habambuhay!" Pinalo ko ang kamay niya at hinatak ang braso ko.

"You're being selfish!"

"Ikaw ang selfish sa 'tin, hindi ako!" Tinakbo ko agad ang papunta sa damuhan—sa may sinag ng araw. "Pupunta ako kay Johnny. Hahanapin ko si Poi. Kung puro pamilya mo ang iisipin mo, hindi kita pipigilan, pero huwag mo 'kong pipigilan sa gusto ko!"

"Chancey!"

"Miss Chancey!"

Sumipol ako nang malakas at ilang hakbang lang ang inabot bago ako lapitan ng ilang ibon at apat na pulang soro.

Si Eul lang ang humabol sa akin. Bihira ko lang makitang nag-aalala siya. Para ngang walang ibang porma ang mukha niya kundi palaging nakangiti kaya alam kong big deal ito dahil minsan lang magsalubong ang kilay niya.

"Miss Chancey, alam mong delikado ito, hindi ba?" Sumabay siya sa amin ng mga hayop habang naglalakad papuntang asphalt road palabas ng Helderiet.

"Eul, hindi ko ikukulong ang sarili ko sa Cabin gaya ng ginawa nila kay Mr. Phillips."

"Pinoprotektahan ka lang niya."

"Ginagawa ko 'to para sa 'ming dalawa, Eul. Hindi enough yung dedepensa lang siya sa 'kin habang hinahayaan niyang bugbugin siya ng pamilya niya."

Huminto ako sa paglalakad bago pa ang hakbang sa simula ng asphalt road. Hinarap ko na si Eul at tiningala siya para makita niya ako nang mabuti.

"Hindi ito ang buhay ko noon, Eul. Wala akong idea na may gaya mo, na may gaya ni Mr. Phillips, o kahit yung mga shifter sa gabi. Natatakot pa rin ako para sa buhay ko, pero hindi ako puwedeng matakot na lang palagi."

Prios 2: Helderiet WoodsWhere stories live. Discover now