viii. Treasure

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit naman nila hahanapin si Marius kung alam nilang patay na yung bampirang 'yon?

Naglakad na ako papalapit sa isang rumurondang taong putik.

"Excuse me!" pagtawag ko habang sinisilip siya.

"Aaaarrrrk." Ang weird ng pag-angil niya, parang may halak. Ilang saglit pa, yumuko siya at dahan-dahang binalot ng balahibo mula sa likod palibot sa katawan hanggang maging malaking aso. Doon na siya umangil ulit pero pang-aso na.

"Whoooh. OMG. Ang laki talaga nila."

Kinalma ko ang sarili ko para hindi mag-panic. Yung tibok ng puso ko, tolerable pa naman. Mas kinabahan pa nga ako habang binibihisan si Mr. Phillips.

"Hindi ako mananakit," mahinahon kong sinabi sa kanya habang dahan-dahang lumalapit at inilalahad ang kamay. "Si Johnny, kilala n'yo? Tagaroon siya sa Onyx. Kilala niya ako. Kilala niya si Quirine Dalca." Dalawang beses kong tinapik ang dibdib ko. "Anak ako ni Quirine. Ako si Chancey."

Ang lalim ng paghinga ko habang lumalapit pa sa malaking itim na aso. Umaangil pa rin naman siya habang nakatitig sa akin.

"Yung isa sa inyo, nakita ko sa third floor kagabi. Hinahanap niya si Marius Helderiet."

Huminto ako sa harapan ng malaking aso at dahan-dahang inilapat ang palad ko sa ibabaw ng ulo niya, sa pagitan ng mga tainga.

"Wow, ang fluffy mo naman." Hinimas-himas ko pa ang balahibo niya.

Bakit ang lambot niya?! OMG, mas smooth pa yung balahibo niya sa buhok ko a! Grabe naman, sana lahat.

"Behave naman pala kayo, bakit kayo laging nag-aaway ni Mr. Phillips?" Napaupo na ang malaking itim na aso sa harapan ko at hinayaan akong himas-himasin ang balahibo niya. Nakiupo na lang din ako sa damuhan sa tabi niya habang nakatitig ako sa Cabin mula sa labas. Nag-indian seat pa ako roon habang pinag-iisipang mabuti ang mga gagawin ko bukas.

"Alam mo, yung boss ko, lagi kayong inaaway n'on. Kasi ang alam niya, bad kayo," kuwento ko sa malaking asong katabi ko. "Pero akala ko rin naman, bad siya kasi vampire siya. Tapos ang alam ko, bad kayo kasi monsters kayo. Pero mukhang akala lang pala natin na pare-pareho kayong bad."

Tinanaw ko ang ibang kasama nitong katabi kong aso. Ronda lang sila nang ronda sa palibot ng Cabin.

"Hindi ko kilala kung sino yung umakyat sa taas kagabi na naghahanap kay Marius Helderiet, pero may pinakita kasi siya sa 'kin na nangyari dati. Kilala mo ba siya? Alam mo ba kung paano ko siya makakausap? Hindi ko kasi talaga gets kung bakit niya hinahanap si Marius e patay naman na 'yon."

"Awoooo!"

"WHOAH! Sandaleee! Bakit umaalulong?!" Umatras agad ako palayo sa kanya kasi bigla siyang nag-ingay nang walang pasabi.

Nakarinig ako ng malakas na pagpagaspas sa kaliwang itaas ko at nanlaki ang mga mata ko nang may makitang malaking ibon na lumilipad papalapit sa amin.

"HOY! SANDALE, HINDI AKO KALABAN!"

Pagtayo ko, tatakbo na sana ako pero napaatras na lang ako nang biglang maglahad ng pakpak ang malaking ibon na halos takpan na ang buwan sa itaas. Pagtapak ng mga paa niya sa damuhan, bigla iyong naging paa ng tao at kasabay ng pag-akyat ng tingin ko mula sa paa niya paitaas ang pagbabago ng anyo niya bilang isang normal na lalaking . . . tao.

"What kind of freaking sorcery is this shit?" mura ko habang nakatingin sa mukha niyang parang fuck boy sa Uptown.

Simula nang malaman kong 127 years old na si Mr. Phillips, wala na akong tiwala sa mga edad ng mga nasa paligid ko. Mukha lang bente anyos itong lalaking nasa harapan ko, pero duda ako sa bente anyos na 'yon.

Prios 2: Helderiet WoodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon