Chapter 19: SAU Intramurals Opening Ceremony

Start from the beginning
                                        

"Hindi ko alam, pero may pakiramdam akong minamatyagan ka niya lalo na 'yong nag-iba na rin nang tuluyan ang kulay ng mga mata mo. Sa tingin ko nama'y hindi naman siya masamang tao."

"But he's quite suspicious. Hindi naman talaga mint green ang kulay ng mga mata niya kundi itim. I even saw it shifting colors during our midterm exams."

"Baka may kakayahan lang siyang magpalit ng kulay sa mga mata niya," hula naman ni Blaurei.

Napataas ako ng kilay sa huling salita ni Blaurei na mas nagpatanim pa sa'kin ng matinding palaisipan. Kailan naman magkakaroon ng ganoong abilidad ng isang Virtualrealmnet user? Hindi naman kaya siguro sa virtual identity niya? O baka naman nagsusuot lang siya ng contact lenses na may kakayahang magpalit ng kulay sa kaniyang mga mata.

Kahit sa mga sinabi niya sa'kin dati sa midterm exam ay nagbibigay pa sa'kin ng goosebumps.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" I asked in a lowered tone.

"Hula ko lang. Siguro may iba pa akong bagay na kompirmahin tungkol sa propesor na 'yon. Ang mahalaga ay kailangan mong atupagin ang iyong sarili sa Navillerian Metamorphosis na bukas ay panghuling araw mo na, lalo na't nagpakita na rin ang isa pa sa sintomas nito," saad niya.

I sighed in ease and looked at her. Bahagya na rin akong ngumiti kahit nagkabuhol-buhol na ang mga pumapasok sa isipan ko. Siguro nga ay mas mabuti pang atupagin ko na lang muna ang tungkol sa mala-torture na metamorphosis na 'to.

Binuksan ko ulit ang aking student's window at pumunta sa avatar wardrobe settings. Pinili ko agad na suotin ang white foot sock at black snickers at inihanda na rin ang aking sarili na umalis ng dorm. Bumili na rin ako ng contact lenses na kapareho ng natural na kulay ng aking mga mata sa isang shop sa student's window na agad namang napasama sa items vault ko. Ngunit nang makatayo na ako sa may pintuan ng silid ay bigla akong pinigilan ni Blaurei na lumipad naman papalapit sa mukha ko.

Ano naman kaya ang trip ng paruparong 'to?

"May problema ba, Blaurei?" tanong ko.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sa'yo Zenrie na hindi ka puwedeng lumabas ng dorm dahil sa Navillerian Metamorphosis," tugon niya sa mala-monotonous na tono.

"Ano?! Bakit naman?" Pabulalas kong tanong sa kaniya.

My brows started to arc and widened my eyes after hearing those words. Ano naman ang nakain niya't hindi ako puwedeng lumabas ng dorm? Hadang-handa pa naman sana ako ngayon sa opening ceremony lalo na't mamayang 08:45 AM magsisimula na ang event.

Lagot ako nito kapag hindi ako dadalo. Marami pa naman akong dapat asikasuhin sa event na 'yon lalo na't isa akong player ng badminton at arnis. Maliban doon, may gagawin ang org namin ngayong linggo at talagang abala kami. Vice president pa naman ako sa literary arts, music at PIO naman sa arnis. Isama pa ang mamayang performance namin sa sayaw kaya ganito ang suot ko ngayon.

Hindi rin ako makakasali sa opening number namin sa event dahil kinailangan kong pagpahingahin ang boses ko sa sobrang stress.

Isa pa, makakalaban pa naman namin mamaya ang grupo ni Zoiren.

"Gusto mo bang malantad ng iba sa kinahihinatnan mong sitwasyon ngayon? Paano kung malaman ng mga kasamahan mong naging asul ang mga mata mo't buhok mula sa itaas na bahagi ng bewang hanggang hita? Hindi talaga maiwasang magbibigay 'yon sa kanila ng matinding palaisipan, noh! Isa pa, paano kung umaaligid din sa paligid ang mga taong minsan nang nagpahamak sa virtual identity mo? I know you're very keen to keep your virtual identity to others as the top rank player and Black Navillerian Angelus in the game, but prevention is better than issue," sermon ulit ni Blaurei sa pangalawang pagkakataon.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now