Chapter 41

4.2K 157 25
                                    

XLI- Wedding

Raffa's POV

Hindi niya sinasagot ang tanong ko. Gusto ko lang malaman kung totoo ba ang kaba ko. Nililito kasi ako ng kilos niya. Parang walang nagbago sa kaniya. Ang mga ginagawa at salita niya ay katulad pa rin ng dati, noong mga panahon na kami pa.

Ayaw kong umasa na hindi talaga siya nakalimot o may naalala na siya dahil mahirap na.

Kung naalala na nga niya ako, bakit hindi man lang siya nagalit sa akin o nagtatanong? Ang daming nangyari sa amin noon. May nangyari na hindi maganda sa pagitan namin. Nalimutan niya ba talaga 'yon o naalala niya pero wala na siyang interes pa tungkol do'n.

Masakit isipin kung totoo 'yong naalala niya ako pero wala na siyang interes dahil para sa akin ay sariwa pa ang lahat. Nasasaktan pa rin ako para sa aming dalawa kapag naalala ko 'yon.

"Bakit ayaw mong sagutin ang tanong ko? May tinatago ka ba?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nasa baba lang ang kaniyang tingin kaya mas nakaramdam ako nang inis.

Matagal na naglagi ang katahimikan bago niya ako tinignan. "Can I ask you too, Raffa?" Tanong niya pa, napahinga ako nang malalim.

"Ako ang naunang magtanong kaya sagutin mo muna ako," sabi ko pero dahil matigas ang ulo niya, hindi niya ako sinagot.

"Can we just enjoy this moment. Do not ask that," nakikiusap na sabi niya, napakunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang ipinupunto niya.

"Napakadali lang naman kasi ng tanong ko, Harris. Nakalimot ka ba talaga o hindi?"

"Minsan kasi ay mas magandang manatiling hindi nasasagot ang mga tanong, marami kasi ang nababago kapag nalaman ang kasagutan do'n." Misteryosong aniya. Hindi ko naintindihan pero may kung ano sa akin na nakukuha ang ipinupunto niya. Kapag talaga siya ang kasama ko ay napakaraming bagay ang hindi ko maintindihan.

"Huwag na lang muna, Raffa." Sabi pa niya.

"Pero..."

"Do you trust me, right?" Tanong niya, nasa mata ko ang paningin. Para niya akong kinakausap sa tingin pero hindi ko maintindihan.

Tumango ako, hindi ko alam kung bakit ako sumangayon. Ngumiti lang siya sa akin at kinurot ang pisngi ko. Bahagya akong nagulat doon pero napangiti na lang din. Nakakagaan kasi ng loob ang ngiti niya sa akin.

Hindi naman nawala ang tiwala ko, patuloy akong nagtitiwala sa kaniya.

"Maliligo na ako, umuwi ka na." Tumayo siya gamit 'yong saklay kaya tumayo rin ako at inalalayan siya pero hinawakan niya ang kamay ko.

Umiling siya sa harap ko. "Kaya ko, Raffa."

"Hindi, sasamahan kita hanggang sa pinto," hirit ko pa pero wala sa mukha niya ang pagsang-ayon.

"Kung wala kang tiwala sa akin, wala ka ring tiwala sa kakayahan mo," seryosong sabi niya.

"Alalayan lang naman, anong kinalaman no'n sa kakayahan ko?" Kunot noong tanong ko.

"Ikaw ang nag-aalalaga sa akin, e. Kung ano ang magiging kilos ko, 'yon ang resulta ng ginawa mo sa akin," ang dami niyang sinasabi. Umupo na lang ako.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon