Chapter 59

3.8K 139 21
                                    

LIX- Home

Raffa's POV

"Ano bang maganda rito, Matri?"

Pagkabukas ko ng closet ni kuya ay lumingon na agad ako kay Matri. Nandito kami sa loob ng kwarto ni kuya at namimili ng damit na isusuot niya. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko sa mga formal na damit niya pero gusto kong dito magmula ang susuotin niya para mamaya...sa wake. 

Nakita ko kung paanong pagtitig ang ginawa niya sa bawat damit. Pinanood ko rin kung saan dumadapo ang kaniyang paningin, hanggang sa huminto iyon.

Kinuha niya ang hanger na kinalalagyan ng kulay blue na tuxedo. Simple ngunit elegante at pormal kung titignan. Nagtatanong ang mga tingin ko kay Matri, kung bakit iyon ang napili niya.

Matindi ang ginawa niyang pagtitig sa tuxedo hanggang sa naging sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha niya.

"Ito 'yung sinuot ni Aven nung prom night," nakangiti niya iyong sinabi habang patuloy ang kaniyang pagluha.

Umupo siya sa kama ni kuya at pinakatitigan ang tuxedo. "Hindi na ako umasa na aayain ako bilang partner niya no'n. Ang sabi niya kasi, hindi ka pa raw nagsasabi kung sino ang ka-partner mo. Hindi raw pwede na wala kang kasama sa gabi na 'yon,"

Umupo rin ako sa tabi niya at nilingon ang bintana. Mapait akong napangiti. Siguro, ito ang huling nakita ni kuya bago siya tuluyang kinuha sa amin.

"Pero nung umaga bago mag-prom night, pumunta siya sa bahay. Kahit alam niyang naroon si papa at hindi ka niya kasama, pinuntahan pa rin niya ako para ayain na ako na ang magiging partner niya. Alam niyang ayaw ni papa na makipagkaibigan ako sa lalaki, pero pinagpaalam pa rin niya ako," nangingiting pagkukwento ni Matri na nagpabalik sa akin sa reyalidad.

Hindi ako nagsasalita ngunit patuloy akong nakikinig. "Sunod-sunod ang mga tanong sa kaniya ni papa na lahat ay sinasagot niya nang may paggalang, hindi napapagod."

"And that night, I realized that Aven is the perfect man for me. He's my knight, but now he will going to be my own angel," nabasag ang boses niya kaya napaakbay ako sa kaniya.

Hinarap niya sa sarili ang tuxedo at saka niyakap nang mahigpit. "Gusto kong makitang suot niya ulit 'to. Gusto kong makita ulit kung gaano siya naging kagwapo nung suot niya ang tuxedo na 'to. I want him to bring the best memories of us by wearing this,"

"Oo, Matri. Ito ang isusuot ni kuya," pagpayag ko. Ngumiti siya sa akin bilang pagpapasalamat.

Magkasama kaming pumunta ni Matri sa funeral service dahil sila Mama at Harris ay nagtutulong para igayak ang chapel na paggaganapan ng wake ni kuya. Ibinigay ko kaagad sa umaasikaso kay kuya ang damit na iyon. Nasa loob kami ng funeral service ni Matri at nakaupo sa isanh bench, hinihintay namin ang pagkakataon na makita namin si kuya.

Dalawang oras din ang nakalipas bago tumawag ang umaasikaso kay kuya at sinagot ko 'yon. Habang kinakausap ko ito ay biglang inagaw ni Matri ang cellphone ko.

"Don't do the make up, okay?" Sabi niya sa kausap.

"Matri..."

Ano bang sinasabi niya?

"I'll do it. Just let me enter your place. Thank you," seryoso ngunit nakikiusap niyang sabi.

Siya ang magme-make up kay kuya?

"I am the girlfriend, so I guess the rights will be on me," nawala ang emosyon sa mukha niya.

Binaba niya ang tawag at hinarap ako. "Lalabas lang ako saglit. Kukuhanin ko ang mga gamit,"

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now