Chapter 32

4.3K 140 29
                                    

XXXII- Talk

Raffa's POV

"Welcome home to us, good evening!" Malakas na sabi ni Matri nang makarating kami sa bahay, napangiti na lang ako.

"Oo na, nasa bahay ka na namin. Pero kailangan pa bang isigaw?" Nawala ang ngiti ko nang marinig ang boses ni kuya. Tinignan ko kung nasaan siya at nakita ko siya doon sa may sofa. May laptop na nakakandong sa hita niya at puno naman ng papel ang coffee table. Nakita ko pa ang plates na ginagawa niya.

Napakatalented talaga ni kuya kung tutuusin. Unang kurso niya ay culinary arts. Magaling kasi talaga siyang magluto. Tapos ngayon ay naging archi na. Magaling talaga siyang magdrawing, ang ganda nga nung plates niya na nasa lamesa.

"Ay, takbo 'tol, may epal." Parang siga na sabi sa akin ni Matri nung makita niya si kuya.

"Huwag mo na lang pansinin, Matri." Bulong ko sa kaniya. Napaikot ang mga mata niya at nanguna papunta sa kusina, sumunod naman ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung totoo bang naiinis pa rin siya kay kuya o wala lang siyang pagkakataon para magpakatotoo.

Wala si mama sa kusina ngunit may mga nakahandang pagkain sa lamesa. Mukhang tulog na si mama, salamat at tinupad na rin niya ang inuutos ko sa kaniya na matulog sa tamang oras.

"Ikaw ang naghain niyan?" Tanong ko kay Matri, tinuturo ko ang mga pagkain na nasa harap niya.

"Hello. Kakarating ko lang!" Nakangising sagot niya sa akin ngunit ang paningin ay nasa mga pagkain.

"E sino ang naghain?" Tanong ko ulit.

Halos mapatili naman ako nung may biglang nangulat sa akin.

"Hi, mama!" Natatawang bati ni Emi, mukhang pinagtatawanan pa ang pagkagulat ko. Siya pala ang nanggulat sa akin.

"Epic ka girl! Haha! And to answer your question, ang langit ang naghain." Sabi ni Matri at kumindat pa kay Emi.

Lumingon naman ako kay Emi. "Ang cute na langit po, mama! Hehe!" Nagpacute pa siya.

"Ikaw, cute?" Tanong ko sa kaniya, nakangiti. Tumango-tango naman siya.

"Hindi rin," dugtong ko.

Napanguso siya. "Hala, mama naman e. Hindi ako cute?"

"Paano kang magiging cute kung palagi kang nagpupuyat?" Tanong ko sa kaniya.

"Palagi niyo na lang po akong inuutusan na matulog. E bakit po ikaw, mama? Ang ganda niyo pa rin po kahit na palagi kayong puyat, mana po ako sa inyo." Nakangiting pang-uuto niya. Napailing nalang ako. Manang-mana siya sa pinagmanahan.

Diyan ka nagkakamali, Emiliana. Sa pang-uuto pa lang ay nakuha mo na sa tatay mo.

"Nga pala, may pasalubong ako sa'yo. Pero parang mas maganda sana kung initin ko," pumunta ako sa oven at inilagay sa microwave safe na pinggan ang streetfoods na binili ko, paiinitin ko muna ng sandali.

Nung nainit ko na ay sinerve ko 'yon sa kaniyang harapan.

"Chef slash your mother, serving her special pasalubong to Heaven Emiliana," proud na sabi ko.

"How about me?" Nakangusong tanong ni Matri.

Pumunta ako sa likuran niya at niyakap siya. "Ayos na 'to? I can give you forever friendship,"

"Corny mo. Mabubusog ba ako ng forever friendship mo?"

"Akala ko ba may figure kang iniingatan? Sinabi mo sa akin 'yon nung isang araw, ah?"

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now