Chapter 13

3K 88 10
                                    

XIII- Untold

Raffa's POV

Kahit pilitin ko man na pagtuunan ng atensyon ang nakasulat sa pisara at makinig sa itinuturo ng teacher ay hindi ko magawa.

Anong emergency 'yon? Bakit kailangang um-absent?

Tama nga sila Calli at Alrin, absent na naman 'yung dalawa. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako. Parang may mali.

"Gusto mo bang matapos ang break na tutunga lang tayo, ha, Raffa?" Napatingin ako kay Matri na ngayon ay nakapamewang na sa harap ko. Tinignan ko ang pisara, burado na ang lahat ng nakasulat doon at wala na ang teacher na nagtuturo.

Break time na pala, hindi ko napansin.

Hinawakan ni Matri ang kamay ko at hinila patayo. Inangkla niya ang kaniyang kamay sa aking braso.

"Huwag ka nga'ng masyadong worried sa dalawa. Apektadong-apektado ka ha?" Hindi ko alam kung paano niyang nakuha na mang-asar pa.

"Syempre, kaibigan ko sila. Saka nakakapanibago lang kasi hindi natin sila kasama." Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen.

"Bakit ako? Kaibigan ko rin naman sila pero hindi ako ganiyan ka-worried. Iba na talaga 'yan, Raffa. Isang taon ka ng in denial ha? Baka hindi ka na maka-ahon niyan kapag narealize mo," nagbabanta niyang sabi.

"Matri naman e. Huwag mong lagyan ng malisya ang pag-aalala, bestfriend ko sila.. siya," natawa siya.

"Ow-key, sabi mo e. By the way, sino 'yung pogi kanina na kasama ni Callidon ha?" Tanong niya habang kinikilig pa.

"Hayaan mong siya na lang ang magpakilala sa'yo, Matri. Inaabangan na nila tayo panigurado sa canteen." Malumanay na sabi ko ngunit hindi ko inaasahan na papaluin niya ako sa braso ng mahina.

"Hoy, kahit na sobrang pogi ni Calli, hindi ako na-inlove sa kaniya pero baka doon na ako mahulog kay nerdy but hot guy! Alam mo 'yun? 'Yung mata at tinginan niya sobrang gwapo na! Isama mo pa 'yung matangos na ilong niya at manipis at mapulang labi. Tapos sobrang kinis at puti niya, nakakahiyang tumabi. Sa tingin ko talaga, hindi purong pinoy 'yon. I'm excited to meet him," napailing na lang ako. Alam kong hindi seryoso si Matri sa kaniyang sinasabi dahil masyado siyang naka-focus sa pag-aaral.

"Mabait din.. 'yata," dugtong ko. Medyo bumilis ang kaniyang paglalakad at dahil hawak niya ako ay napasabay ako sa kaniya.

Siya na rin ang nagbukas ng pinto at sabay kaming pumasok sa canteen. Doon nakaupo sila Calli at Alrin sa table na palagi naming pwesto. Kaya naman pumunta kami ni Matri doon at umupo. May mga pagkain na sa table, sapat para sa aming apat.

"Salamat," nasabi ko na lang dahil hindi na ako makakatanggi pa.

"Always welcome." Nagulat ako dahil si Alrin ang sumagot sa akin, ibig sabihin ay siya ang nanlibre sa amin ngayong araw.

"Ano ba 'yan, ang dami mong in-order na pagkain. Saka ko na nga lang kakainin 'tong padala sa akin ng kung sino, salamat ha?" Sabi ni Matri. Napatingin ako sa lunch box na itinabi niya sa lamesa. Nagulat na lang kami pagpasok namin sa classroom ay naroon na ang lunch box na 'yon. Ipinapabigay ng kung sino na hindi namin kilala.

"Let's eat. I am starving as hell. Daming pinasagutan ni panot, napagod ang brain cells ko." Sabi ni Calli saka kinuha na ang kutsara at tinidor. Natawa kami sa sinabi ni Calli.

"Baka may makarinig na tinawag mo si sir na gano'n. Lagot ka talaga!" Bulong ko pero ngumisi lang siya. Teacher din kasi namin ang tinutukoy niya. Terror 'yon at talagang nakakatakot pero parang walang pakialam si Calli.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now