Chapter 37

4K 137 17
                                    

XXXVII-  Single

Raffa's POV

"Sino 'yung Sydney?" Agad na tanong ni Beryl nang makatalikod si Harren.

"Bakit hindi sa harap ni twin mo 'yan itanong? Chismosa ka talaga 'no?" Pang-aasar nung katabi ko, si Harris. Napapansin ko nga na sa kanilang lahat, siya 'yong sobrang mapang-asar.

"Tinanong ko lang naman kung sino, chismosa agad?"

"Hindi mo kilala 'yon? Taong bundok ka ba?" Tanong sa kaniya ni Alrin, nang-aasar din.

"Bakit? Kailangan ko ba siyang makilala?" Hindi ba talaga niya kilala si Sydney? Halos lahat ay kilala siya, ah?

"Wait. Is Harren talking about my cousin?" Gulat na tanong sa kanilan ni Doc Cian.

"Yes. Are you excited, Cian?" Tanong sa kaniya ni Calli.

Napahawak si Doc sa kaniyang batok at muling hinarap ang mga kaibigan. "No way. Baka may gawin na naman 'yon,"

Talaga bang pinsan ni Doc Cian si Sydney?

Sabagay, hindi na nakakapagtaka. Parehas hindi pangkaraniwan ang kanilang itsura.

Nakikita ko si Sydney sa telebisyon. Bawat oras nga yata ay siya ang pinapakita dahil sobrang sikat niya. Halos bawat komersyal ay siya ang laman. Kung dati ay sikat na siya, ngayon ay mas sumikat pa.

"Bakit parang kilala mo yata 'yon, Raffa?" Takang tanong sa akin ni Bery.

"H-Ha? Uhm... oo, kilala ko. Schoolmate ko siya dati," sagot ko na lang.

"Wala naman kasing hindi nakakakilala sa kaniya. She's really beautiful and great artist," sabi ni Harris na bahagya kong ipinagtaka.

Kung ako ay nakalimutan niya, bakit mukhang naalala niya si Sydney?

Lahat sila ay hinihintay na ang pagdating ni Sydney. Gustong-gusto siyang makita ng lahat ng personal. Sino ba naman ang hindi siya gustong makita, 'di ba? It's a pleasure for them to meet the star who shines very brightly.

Bigla akong kinalabit ng katabi ko. "Parang kanina lang, mapupunit na 'yung labi mo kakangiti tapos ngayon, biglang nalukot 'yang mukha mo. Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya.

"Hindi naman ako malungkot," simpleng sagot ko habang nakatingin lang sa lamesa. Ngumiti rin ako para matigil na siya.

"Pera ka ba?" Doon ay napatingin ako sa kaniya. Maliit ang kaniyang pagkakangiti at nakatitig sa akin.

Pickup line ba 'yon? Anong isasagot ko sa kaniya?

"Anong sinasabi mo d'yan?"

"Pera ka ba?" Ulit niyang tanong.

"B-Bakit?"

"Kasi 'yang ngiti mo, fake."

Bigla ay natawa ako nang mahina. Akala ko pa naman kung ano ang sasabihin niya.

Nanatili ang pagkakangiti ko. Pakiramdam ko kasi ay walang nag-iba. Kapag si Sydney ang nasasali sa usapan ay gagawa pa rin siya ng paraan para hindi ko maramdaman 'yung bagay na hindi niya gustong maramdaman ko... selos.

Pero noon 'yon. Hindi na ngayon. Nag-iilusyon lang ako na ganoon nga ang kaniyang ginagawa. Saka, hindi naman ako nakakaramdam ng selos ngayon. Ano naman kung pupunta siya rito, 'di ba?

"Galing ko naman, I made you laugh," pagmamayabang niya na para bang ang pick-up lines ay sobrang nakakatawa.

"Syempre," kunwaring pagsakay ko na lang.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon