Chapter 24

2.7K 95 6
                                    

XXIV- Night

(Warning: R-18)

Raffa's POV

"Sino po 'yon?"

Iyon agad ang salitang namutawi sa akin pagkapasok ko ng bahay. Nasa sala silang tatlo, si mama, kuya at tita. Iyon na naman ang problemadong mukha nila pero nang nakita ako ay nagpumilit sila na ngumiti. Peke na naman. Umupo ako sa sofa, pinagigitnaan nila kuya at mama.

"Hi, 'nak. Kamusta ang pag-aaral?" Masayang bati ni mama. Mas pinag-alala lang ako no'n.

"Ayos naman po. Kayo po ba, ayos lang?" Tanong ko.

"Oo naman, bakit naman kami hindi magiging maayos?" Si Tita ang sumagot sa aking tanong.

"Sino po 'yung lalaki na lumabas?" Ulit kong tanong.

Nakita ko kung paano silang nagkatitigan, nagsenyasan din sila na hindi nakatakas sa aking paningin.

"Wala lang, empleyado lang ng bangko, Raffa." Agad kumunot ang aking noo sa sagot ni kuya.

Empleyado ng bangko? Bakit kailangan niyang pumunta sa bahay?

Tinignan ko si mama. "Bakit po siya pumunta dito?"

"May sinabi lang tungkol sa properties natin, huwag kang mag-alala. Wala 'yon. Gusto mo bang kumain?" Pag-iiba ng usapan ni mama, nalungkot ako.

Nararamdaman kong may mas malaki pa kaming problema na hindi nila sinasabi sa akin.

Hindi na lingid sa aking kaalaman na nauubusan na kami ng pera. Dahil nakikita ko kung gaano napapagod si mama sa araw-araw dahil doble na ang ginagawa niyang pagkayod sa trabaho.

Nakikita ko rin kung paanong pilit na ibinabangon ni tita ang Isawan Place. Kung dati ay punong-puno 'yon ng tao at maraming tindera ang nagtitinda ngayon ay sa sampong spaces para sa mga tindera, tatlo na lang ang nagtitinda, kasama pa sa bilang si tita. Hindi ko alam kung bakit nagkagano'n dahil puro sila sikreto.

Si kuya naman ay sa kabila ng pag-aaral niya ng culinary arts, nagpa-part time pa siya sa isang coffee shop tuwing gabi.

At ako... heto, walang kamuwang-muwang kung bakit sila kumakayod ng sobra-sobra. Sinabi nila sa akin noon na mayroon ng budget para sa college ngayon ni kuya, ang lahat naman ng expenses ko ay sagot ni Mr. Craez. Tanging pagkain na lang at bayarin sa bahay ang problema na alam ko, pero bakit mas dumoble pa ang determinasyon nila sa pagta-trabaho. Ano ang totoong problema ng pamilya namin?

Bakit ayaw nilang ipaaalam sa akin? Ayaw ba nila akong mahirapan o baka dahil alam nilang wala naman akong maitutulong?

Ito ang ayaw ko, ang pagiging bunso ng pamilya. Ako na lang ang palaging iniingatan, ako na lang ang palaging sinasalba, ako na lang ang palaging ayaw pahirapan. Gusto kong tumulong sa kanila sa kahit anong paraan na magagawa ko, pero paano kung hindi ko naman alam ang problema na kanilang ginagawan ng paraan upang solusyunan?

Inakbayan ako ni kuya. "Huwag kang mag-alala, maliit lang na problema 'to. Bukas nga baka okay na e." Tumango na lang ako.

Sinabi nila na huwag akong mag-alala pero paano kong gagawin 'yon kung nasasaksihan ko kung paano silang nahihirapan?

Gusto ko talaga makatulong ngunit ang lahat ay ginagawa nilang sikreto, hindi ako makakilos. Kaya humihingi na lang ako ng gabay sa Kaniya. Alam kong gagabayan Niya ang aming pamilya sa pinagdadaanan nila.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now