Chapter 9

3.5K 100 5
                                    

IX-  Promises

Raffa's POV

"Matri," Tawag ko habang kinakalabit siya. Mabilis niya akong nilingon ng may malapad na ngiti sa labi. Wala kasi kaming teacher ngayon dahil um-absent ito ngunit may iniwan siyang activity na nasagutan ko naman na.

"Bakit?" Katulad ko ay natapos na niya ang activity. Pinaabot niya muna 'yon sa kaniyang katabi para ibigay sa president na siyang nagkokolekta ng aming papel. Ngayon pa lang siya lumingon sa akin.

Inabot ko sa kaniya ang papel na ibinigay ni Harris sa akin kagabi. "Naiintindihan mo ba 'yan, Matri?" Tanong ko. Umaasa na may isasagot siya.

Kumunot ang kaniyang noo habang tinitignan ang nasa loob ng papel. Umiling siya habang hawak ang papel. "Hindi pa natin napapag-aralan ang ganitong math equations. Hindi ko alam."  Malungkot niyang sabi.

"Bakit ba kasi niya ibinigay sa akin 'yan? Ang sabi niya kasi sa akin kagabi, hindi pa raw niya kayang sabihin ang isang bagay tapos ibinigay niya 'yan." Paliwanag ko kay Matri dahil parang naguguluhan siya.

Ibinalik niya sa akin ang papel. "Alam mo, parehas kayong weird ni Harris. Hindi ko kayo maintindihan!" Napahawak pa siya sa sariling sintido para bang stress na stress. Nagtaka ako ng hawakan niya ako sa dalawa kong balikat at nagsalita.

"Kasi siya, halata naman na gusto ka niya pero hindi niya maamin-amin ang bagay na obvious naman. Tapos ikaw, halata naman na may gusto sa'yo si Harris tapos parang wala ka pa rin clue. Siya torpe, ikaw manhid na hindi mawari!" Napanguso ako ng parang sinisigawan niya ako.

"A-ano ba ang dapat kong gawin?"

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking balikat at humarap sa pisara. "Dapat mong gawin? Mag-enjoy sa highschool life!" Bahagya niyang isinigaw 'yon kaya napatingin ang lahat sa amin. Napapikit ako sa kahihiyan.

"Anong connect no'n sa mga sinasabi ko?" Bulong ko sa kaniya.

"1st year ka pa lang, 2nd year highschool siya. Parehas pa kayong bata para sa mga bagay na 'yan kaya enjoy na lang muna." Tumango-tango na lang ako kahit wala akong naintindihan.

"Saka kung totoong gusto ka ng isang tao, mahihintay niya ang tamang pagkakataon para maging kayo. Kaya hayaan mo muna siyang magda-moves sa tabi-tabi. Kung hindi sumuko, e 'di siya na ang perfect man. Kapag naman sumuko, e 'di walang kwenta." Sabi niya sa akin.

"Matri naman e. Hindi kita maintindihan,"

"Gusto ka ni Harris at gusto mo rin siya." Napahinto ako sa sinabi niya. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib. Heto na naman ang reaksyon ng aking sarili kapag nababangit ang mga bagay na 'to.

"H-hindi ko siya g-gusto, Matri at hindi rin niya ako gusto." Pinagtawanan niya ako. Minsan talaga ay hindi ko siya maintindihan.

Si Harris? Magugustuhan ako. Marahil ay nasabi lang niya na gusto niya ako noong nasa office kaming lahat dahil gusto lang niyang ipaalam sa lalaki na dapat ay hindi na nito gawin ang mga bagay na mali katulad ng nagawa niya sa akin. Sinabi niya na gusto niya ako para siguro.. hindi na magawa ng lalaki na 'yon na manghipo ng mga babae at matakot ito. Ganoon lang siguro 'yon. Imposible na magustuhan niya ang isang tulad ko. Dahil halos ang lahat ay nasa kaniya na. Tapos ako, marami ang kulang sa akin.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon