Chapter 6

4.5K 128 21
                                    

VI- Protector

Raffa's POV

"Akala ko talaga kung napano ka na, Raffa. Paano kasi 'yung si kuya Aven mo ay ako ang tinawagan. Nawawala ka raw." Nakangusong sabi ni Matri kinabukasan. Nandito na kami sa canteen at parehas kumakain ng pananghalian.

May one hour break kasi kami. Para makakain ng tanghalian at makapagpahinga pagkatapos no'n ay ang afternoon class na.

"Bakit ka nga ba kasi nawala kahapon, Raffa?" Napangiti ako ng makita siya na nakanguso ngayon. Sobrang ang concern niya sa akin. Kahit na ilang linggo pa lang kami nagsasama ay ganito na niya ako pahalagahan.

Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng maalala ang kaniyang tinatanong. Ikukwento ko ba sa kaniya?

Napatitig ako sa kaniya. Naghihintay siya ng isasagot ko. Sabagay, siya lang naman ang kaibigan ko dito.

"Kasi.. paano ko ba ito sisimulan?" Nangalumbaba ako sa lamesa. Tapos naman na kaming kumain.

"Masyado bang mahaba ang kwento mo? Bakit parang nalilito ka pa? Nako! May nangbubully ba sa'yo dito at hinarang ka? Nako! Isusumbong ko 'yon sa principal, sabihin mo lang kung sino 'yon, Raffa!" Hinawakan ko ang  kamay niya ng tumayo siya sa upuan.

"Matri, walang nang-aaway sa akin dito. Umupo ka muna tapos ikukwento ko sa'yo." Mahinahon na sabi ko. Umupo naman siya at hinarap ako.

"Simulan mo na."

"Uhm.. kasi nagstreetfoods ako nung nakaraan. Tapos nawawala pala ang wallet ko. Naubos ko ang lahat ng tinuhog ko pero hindi ako nakapagbayad dahil hindi ko naman alam na mawawala ang wallet ko." Napakagat ako sa labi na tumingin sa kaniya. Nakakahiya kasi talaga ang ginawa ko na 'yon.

"Hala! Saan napunta 'yung wallet mo? Sino nagbayad nung tinuhog mo? Do you want me to pay it?" Tanong niya.

"Bayad na, 'yun ang dahilan kung bakit ako ginabi kahapon. Pasensya ka na talaga, Matri. Pinag-alala pa kita."

"No worries, ano ka ba! Natural 'yon sa magbestfriends 'no! Saka sino ang nagbayad? Paano ka ginabi nh dahil lang sa pagbabayad?" Taka niyang tanong.

Napahinga ako ng malalim. "Binayaran ng taga-second year na lalaki ang kinain ko. Tapos nung binayaran ko, humingi ng interest," Pagkukwento ko pa sa kaniya habang muling iniisip ang pagkikita namin no'n ni Harris. Kung paano ako nainis sa kaniya pero siya pala ang magbabayad ng utang ko.

"Magkano 'yung interest na hiningi niya? Grabe naman pala 'yon! Sana pala sinamahan na kita no'n para ako na lang ang magbabayad. Humingi pa talaga ng interest." Inis na sabi ni Matri ngunit imbis na makisakay ako sa kaniya ay ngumiti ako sa kaniy at umiling.

"Okay lang, pabor naman sa akin 'yung interest. Naging masaya ako dahil sa pagbabayad ng interest." Masaya kong sabi. Inilapit ni Matri ang mukha niya sa akin.

"Namumula ka.. Raffa," Gulat niyang tanong habang tinutusok ang pisngi ko.

Umiling ako ng umiling. "Hindi ah! Mainit lang talaga dito sa canteen,"

"Raffa, may aircon dito sa canteen."

Napalingon tuloy ako sa aircon. Oo nga, kakaiba ang canteen na ito dahil may aircon talaga siya at napapaligiran pa ng maraming electrifan na hindi nakabukas ngayon dahil bukas ang aircon.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now