Chapter 23

2.7K 75 6
                                    

XXIII- College

"Sasagutin? Magiging girlfriend na kita?" Masayang tanong ni Harris ngunit mas tumalim lang ang aking paningin sa kaniya.

Bakit ba dumulas sa bibig ko 'yon?

Oo, plano ko talaga na sagutin na siya ngayon. Ang tagal ko na siyang kasama sa lahat at matagal na rin ang kaniyang panliligaw. Hindi ko na nga namamalayan na nanliligaw nga pala siya sa akin dahil hindi niya ako pine-pressure na sagutin siya, saka kontento siya sa kung ano kami.

Nagbibiro lang ako sa aking sinabi hindi ko siya sasagutin dahil sa inapakan niya ang aking sapatos. Ewan ko ba kung bakit dumulas 'yon sa aking bibig, hindi ito ang pagkakataon na gusto ko para sagutin siya pero wala e, nadulas na ako.

Ngumisi ako ng palihim bago siya hinarap. "Bingi ka ba? Sinabi nang hindi na kita sasagutin dahil inapakan mo ang sapatos ko!" Kunwaring naiinis na tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang umupo siya sa aking harap at pinunasan ang sapatos ko gamit ang bimpo niya. "Tsk tsk. Ang dumi, hindi ko na malilinis 'to. Sorry talaga, Angel."

Hala! Hindi ko inaasahan na talaga luluhod pa siya para lang linisin ang sapatos ko.

"Ano ka ba naman, Harris? Tumayo ka nga d'yan!" Sumunod siya sa inutos ko.

"Bibili na lang ako ng bagong sapatos at medyas." Malungkot na sabi niya, mukhang sobrang siyang naapektuhan dahil sa aking sinabi.

Kaya naman inilabas ko na ang tawa na kanina ko pa kinikimkim.

"Haha! Joke lang!"

Napasibangot siya. "Anong joke?"

"Joke lang na hindi kita sasagutin ng dahil sa narumihang sapatos."

Kinurot niya ang aking pisngi. "Hindi ako nakikipagbiruan, Angel, ah?" Nakanguso niyang sabi.

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at hinawakan 'yon saka ko siya tinitigan sa mga mata niya.

"Mula first year highschool ako ay ipinakita mo na sa akin kung gaano ka kabuti, hanggang ngayon. Naramdaman ko ang sinseridad mo sa pagkagusto sa akin, kaya..." pinutol ko ang sinasabi sa akin. Lakas loob kong hinawakan ang pisngi niya.

"Harris, girlfriend mo na ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya.

"Seryoso?" Hindi makapaniwalang sabi niya.

Tumango ako. "Oo, seryoso ako," saka ko inalis ang aking kamay sa pisngi niya para maayos kong makita ang reaksyon niya.

Ngumiti siya ng malapad, naramdaman ko ang saya niya. "Girlfriend na kita?"

"Uh-uh, at syempre boyfriend na kita," kumindat pa ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang aking pisngi at unti-unting iniyuko ang mukha sa akin. "Then let me to kiss my girlfriend in this special moment of my life,"

Nakaramdam ako ng kuryente sa aking katawan nang magkiskisan ang aming ilong. Napapikit ako nang tuluyan na nga niyang ilapat ang kaniyang labi sa akin.

Ikalawa na ito, ngunit bakit ganito pa rin ang epekto sa akin? Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, halos mahimatay ako sa bilis no'n. Lalo na nung hinawakan niya ang aking batok para mas ilapit sa kaniya. Gumagalaw din ang kaniyang labi na akin namang sinasabayan.

Ano ba itong ginagawa ko?

Hindi ako makapaniwala sa aking ginagawa, tila nililinlang ako ng kaniyang malambot na labi.

Siya rin ang unang bumitaw, suot ang ngisi na mas pinapagwapo siya. "Ikaw ah, saan mo natutunan 'yon?"

"Ha? S-Sumasabay lang naman ako s-sayo,"

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now