Chapter 27

4K 122 25
                                    


XXVII- Award

Raffa's POV

"Why are you acting like that? Gulat na gulat? I am ghost na ba? I'm not updated," natatawang biro ni Calli sa amin.

Bakit nandito siya sa harapan namin?

"So, anong ginagawa niyo rito?" Tanong niya sa amin.

"E, ikaw? Anong ginagawa mo rito?" Napakabilis maka-recover ni Matri sa gulat. Nakakahanga.

"Hinatid ko ang anak ko," simpleng sagot niya, namulsa pa.

Doon ay nanlaki ang aking mga mata.

"Anak? May anak ka na?" Gulat na tanong ko.

"Yes, he's a student here. Hinatid ko rito, that's why I am here. Kayo? What are you doing here?"

Hindi ko alam ang aking isasagot.

Hindi ko pwedeng sabihing hinatid ko ang aking anak dito dahil.. mabubulgar ako.

"Hinatid lang namin ang pamangkin ko. And then ihahatid ko si Raffa sa work niya," iniligtas ako ni Matri.

"Okay. Nice to meet you both. Kamusta naman?"

"We are all fine naman. Kumakain ng tatlong beses sa isang araw," si Matri ulit ang sumagot.

"You look simple but your company's shining so bright in business industry, huh?" Sabi ni Calli kay Matri.

"Hiyang hiya naman ako sa'yo! Nakita ko nga sa isang sikat na business magazine ang mukha mo at sinasabi na ikaw ang 'most succesful business man'. Baka naman pwedeng makipagpartner?" Parinig ni Matri. Sila na naman ang nagkaintindihan.

"I am pleasured to be your business partner, Ms. Davis."

"No. I am more pleasured, Mr. Wright,"

"How about you, Raffa? How's life?"

Abot-abot ang aking kaba ngayon. Baka kasi sa isang simpleng pagsagot ko, baka may malaman siya.

"Ayos naman," simpleng sagot ko.

"Nurse ka na ba?"

Ayan na nga, nagtatanong na. "O-oo,"

Tinapik niya ang aking balikat. "Congrats!"

"S-Salamat. Sa'yo rin, congrats." Nakangiti kong sabi.

Ngayon ko lang napatunayan na kahit paloko-loko ang isang estudyante sa pag-aaral niya ay kaya pa rin niyang maging matagumpay basta ay may pangarap ito. Katulad ni Calli, noon ay sakit siya sa ulo ng aming school dahil sa mga kalokohan niya. Pero ngayon, isa na siya sa mga tinitingala dahil sa tagumpay na nakamit niya.

"Well, thank you." Sabi niya sa amin.

"By the way, have you heard the latest news?" Pag-iiba niya ng topic. Mas nakaramdam tuloy ako ng kaba.

Wala pa man ay alam ko na ang kaniyang sasabihin...

Nagkatinginan kami ni Matri. Parehas na naming alam ang kaniyang sasabihin at parehas din namin hindi alam ang isasagot. Kung magpapanggap ba kami na walang alam, o.. aaminin na alam na namin ang nangyari sa kaniya.

The Engineer's Private NurseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang