Chapter 2

7.2K 187 21
                                    

II- Harris Emmanuel

Raffa's POV

"Ano 'ka mo, private nurse? Pwede ba 'yon?" Gulat na tanong ni Matri. Ang kaibigan ko na lagi kong kasama. Kahit na busy siya sa sarili business niya ay hindi pa rin niya nakakalimutan na bisitahin ako. Katulad ngayon, naihatid na namin si Emi sa school at sa kotse niya kami sumakay. Ngayon ay ako naman ang ihahatid niya sa hospital.

Napahinga ako ng malalim. "Oo, private nurse. Triple ang sahod ko at half day lang ang oras ng pagtatrabaho ko." Napapreno siya dahil doon, biglaan at hindi ko inasahan kaya halos mauntog ako. Dahil magkatabi lang naman kami, pinalo ko ang braso niya.

"Ano ba, Maia Trisha? Dahan-dahan naman!" Inis na sabi ko pero wala akong natanggap na tugon mula sa kaniya. Iginilid lang niya ang kotse sa tabi.

"Huy, may trabaho pa ako." Paalala ko sa kaniya. Baka kasi nakakalimutan niya na nurse ako at ang duty ko ay magsisimula ng alas otso, quarter to 8 na.

"I don't care. Jusko, Raffa! Napakagandang offer niyan! Salamat po! Salamat dahil ibinigay niyo kay Raffa ang trabaho na 't--" Pinutol ko na ang mga sinasabi niya.

"Si Harris lang naman ang aalagaan ko, Matri." Sabi ko sa kaniya. Ganoon na lang ang pagtataka ko ng hindi niya pinansin ang pangalan na binanggit ko. Salita pa rin siya ng salita.

Alam ni Matri ang lahat ng tungkol sa akin, mula highschool hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami. Nang pinalayas nga kami ng tita ko sa bahay nila sa Manila ay ginawa niya ang lahat para sumunod sa akin dito sa Pampanga.

Siya ang nakasaksi ng lahat ng kaganapan sa buhay ko. Kaligayahan man 'yan o paghihirap. Siya ang karamay ko sa lahat ng bagay na 'yon. Bukod kay Emi, sa kaniya ko sinasabi ang lahat ng problema ko at mga sikreto ko.

"Eh ano naman? Atleast ang ganda ng trabaho mo! Sobrang makakatulong 'yon kay Emi, kay tita at sa kuya mong bano! I'm so proud of you, Raffa!" Masaya niyang sabi, hinawakan pa niya ang magkabila kong balikat at inuga ako ng inuga.

Bakit sobrang saya niya? Siya nga ang unang nagalit sa akin ng hiwalayan ko si Harris. Tapos ganito ang magiging reaksyon niya? Sobrang nakakapagtaka.

Nagtataka ko siyang tinignan. "Matri, alam mo ba ang mga sinasabi mo? Si Harris ang aalagaan ko! Si Harris Emmanuel Lozan lang naman, ang tatay ng anak ko. Ano ba, Matri?" Halos sumigaw na ako sa loob ng kotse dahil parang hindi niya ako maintindihan.

"What?!" Gulat na tanong niya sa akin. Nanlalaki ang mga mata na hinarap ako. Hindi muna kasi ako pinapakinggan ng maayos. Ngayon ay natauhan siya.

Napailing ako. "Ngayon mo sabihin sa akin. Tama ba na tanggapin ko 'yon?" Mapait na tanong ko sa kaniya. Napabuntong hininga siya at hindi ako sinagot, pinaandar niyang muli ang kotse. Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan ng walang emosyon.

"Kung sa offer ang pag-uusapan, hindi ka na dapat magdalawang isip at tanggapin mo na ang trabaho na 'yon. Pero kung siya pala ang aalagaan mo, hindi ko alam ang isasagot ko, Raffa." Halata nga na pati siya ay naguguluhan.

"Parehas kong tinitignan ang side niyo. Sorry Raffa pero sobrang sakit sa part ni Harris ang ginawa mo. Paano naman kasi sobrang mahal ka nung tao tapos bigla mong hihiwalayan. Kung ako 'yon ay hindi ko tatangapin kasi wala na akong mukhang ihaharap sa kaniya." Ang pagiging straight forward niya ay ang isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now