Chapter 1

9.4K 231 27
                                    

I- Angel Rafflesia

Raffa's POV

"Raffa, hey! I need your attention. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Doc Cian. Nangingilid ang mga luha ko na tinignan siya.

Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya ng makita ako. "Bakit? May problema ba?" Tanong niya at inakbayan pa ako. Umiling ako kahit na alam 'kong may problema nga talaga.

Ang daming tanong at problema ang naisip ko sa mga sandaling oras na 'yon.

Bakit siya nagkagano'n? Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya pa ang kailangan 'kong alagaan?

"Doc..." Puno ng pag-aalinlangan na sabi ko. Gustong-gusto 'kong bawiin ang pirma ko at tanggihan siya pero nung nakita ko kung paano siya naging masaya nang pumayag ako maging private nurse ay parang gusto ko pa rin na ituloy.

"Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala ka ba na baka may gawin sa'yo ang kaibigan ko? Mabait 'yon, wala siyang gagawing masama sa'yo. Hindi ka niya sasaktan." Parang nangungumbinsi na sabi niya sa akin.

Hindi 'yon Doc e. Ako ang nanakit sa kaniya at hindi ko pa kayang magpakita sa kaniya.

Hindi ko masabi kay Doc Cian 'yon dahil natatakot ako sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin. Baka mamaya kaayawan na niya ako dahil sa ginawa kong pananakit sa kaibigan niya.

"Ayaw mo ba na maging personal nurse ni Harris, Raffa?" Malungkot na tanong niya, na parang nahuhulaan niya ang iniisip ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang kalungkutan at disappointment sa mukha niya.

Raffa, please hayaan mo na. Ang laki ng naitulong sa'yo ni Doc Cian. Kahit doon man lang ay makabawi ka.

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. "Hindi Doc. Magiging personal nurse ako ng k-kaibigan niyo." Napapalunok 'kong sabi sa kaniya. Nakita ko ang saya sa mukha niya ng sabihin ko 'yon. Hindi na ako pwedeng tumanggi, sobrang saya ni Doc Cian sa pagpayag ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat talaga, Raffa. Maraming salamat," Taos puso niyang sabi kaya naman hindi na talaga ako makakatanggi pa.

Pero.. hindi ko pa kayang makita si Harris. Hindi ko pa kaya.

Iwas na iwas akong pumunta sa kwarto na sinabi sa akin kanina ni Doc Cian kung saan nandoon si Harris. Hindi pa ako handa na makita siya. Hindi muna ngayon.

Nandito ako sa nurse station at nakaupo. Wala naman kaming masyadong pasyente at dito ako naka-assign ngayon. Ako ang sumasagot sa mga tao na nagtatanong kung nasaan ang mga naka-admit nilang relatives at kung ano-ano pa. Saglit lang naman ako dito dahil sa E.R ang area ko.

Napalingon ako sa lalaking mabagal na naglalakad at tila may kausap sa cellphone. Masyado siyang matangkad kaya naman naagaw ang atensyon ko. Kinabahan ako ng makita kung sino siya.

Nakasuot siya ng polo shirt at sa likod niya ay may nakasabit na lalagyanan ng blue print. Kahit naglalakad siya ay nasuri ko ang kabuuan niya. Mas nagmatured ang mukha niya, mas lumaki ang katawan, mas pumuti at gumwapo.

Punong-puno ako ng pagtataka. Akala ko ba ay hindi pa nagigising si Harris? Bakit nandito siya at mukhang maayos na maayos ang lagay? Ang kalituhan ko ay nawala ng magsimulang magsalita ang taong tinatanaw ko.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon