Chapter 39

4.2K 154 23
                                    

XXXIX- Ash

Raffa's POV

Napalunok ako nang makita ang kalangitan. Gabi na pala nung magising ako at ngayon pa lang ako uuwi. Napakatagal naman pala nung naging pagtulog ko, hindi ako makapaniwala na kalahating araw akong nakitulog sa kama ni Harris at worst, kayakap ko pa. Ano bang itong ginawa ko? Bakit kasi hindi ako pumalag? Bakit hindi agad ako nagising?

Napakatahimik sa labas. Wala ng tao doon. 'Yung ibang mga bahay naman ay patay na ang ilaw. Hindi talaga ako makapaniwala na uuwi ako ng ganitong oras na dapat ay half day lang.

Wala akong sasakyan na makita kaya no choice ako at tinawagan si Matri.

"Matri," bungad ko.

"Ano? Wala kang masakyan, 'no?" Panghuhula niya, ang kaniyang boses ay malamig at nasisiguro kong naiinis siya. Nakita ko kasi na nagflood message siya sa akin na pumunta siya rito sa bahay pero bumalik na rin sa trabaho.

"I love you, Matri." Pang-uuto ko, hindi ko pa sigurado kung kakagat siya.

"Tse! Baka malamig d'yan, tagalan mo pa ang pagtabi sa hari." Napasibangot ako sa sinabi niya, mukhang nakakuha pa siya ng chismis nung pumunta sa rito.

"Huwag kang mag-alala, makakauwi ka pa naman ngayong gabi dahil on the way na ako at malapit na. Mabuti at tumawag ka na dahil ang plano ko akyatin ka d'yan sa kwarto ni Harris. Sobrang OT naman niyan!" Ang kaniyang mukha siguro ngayon ay lukot na lukot na, alam kong naiinis talaga siya sa akin dahil wala naman akong pasabi man lang na gabi ako uuwi.

Dumating din naman siya agad at kagaya ng inaasahan ay sibangot ang mukha niya buong byahe saka hindi ako pinapansin. Mamaya ko na lang siya susuyuin. Pagkarating sa bahay ay nandoon si Emi sa sofa at hinihintay ako. Hindi na niya tinanong kung bakit late ako umuwi dahil naiintindihan niya ang trabaho ako. Daig pa si Matri na hanggang kumakain na kami ay nakasibangot pa rin.

Napatingin ako kay Emi nung tumayo siya. Humarap siya sa akin at saka ngumiti. "Teka lang po, magtitimpla po ako ng juice niyo. Pampawala po ng pagod," alok niya.

"Nako, huwag na. Ako na lang ang gagawa," agad na pagtanggi ko at tatayo na sana pero hinawakan niya 'yong isang balikat ko para mapaupo muli ako.

"Ako na lang po, mama. Kahit dito lang po ay makaganti ako sa mga ginawa mo para sa'kin." Ang kaniyang boses ay napakalambing, iyon talaga ang isa sa gusto ko sa kaniya.

"Hindi mo naman kailangang gumanti sa akin, ano ka ba?" Napanguso siya at napayuko, mukhang malungkot dahil hindi niya ako maipagtitimpla ng juice. Ayaw ko lang naman kasi maabala siya sa pagkain para lang sa akin.

Napahinga ako nang malalim at saka inangat ang kaniyang mukha. "Sige na nga, tawagin mo ako kapag need mo ng help, ah?"

"Okay po!" Pero sigurado naman akong hindi siya hihingi ng tulong sa akin. Tumakbo na siya roon sa kusina, mukhang excited na excited.

"Hoy, Rafflesia." Tawag sa akin ni Matri, sibangot pa rin ang mukha.

"Bakit?" Nakangiting tanong ko, sinubukan ko rin na maging malambing ang boses ko para mabawasan ang init ng ulo niya.

"Gaga ka," hindi ko na maiwasang mapanguso nung pinalo ako ni Matri sa balikat.

"Pinuntahan kita roon sa bahay, humarap sa akin 'yong lola nila. Inakyat pa nga ikaw doon sa kwarto nung pasyente mo tapos pagbalik niya, sinabi sa akin na tulog daw kayo. So sa sahig ka natulog tapos sa kama si Harris?" Kunwaring tanong niya, nakangisi na. Alam naman na niya kasi ang sagot, gusto pang manggaling sa bibig ko.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon