Chapter 17

2.7K 89 5
                                    

XVII- Partner

Raffa's POV

Hindi ko maiwasang mapanguso habang naghihintay kay mama na makuha ang card ko. Ang tagal niya kasi sa loob ng classroom. Kinakabahan ako na baka may nagawa akong kalokohan.

Napaisip tuloy ako bigla, wala naman akong ginagawa. Sa katunayan nga ay with honors ako ngayong school year. Napangiti ako ng muli 'yong maisip.

Ilang buwan na ang nakalipas. Naging normal at masaya naman 'yon. Pagkatapos ng intrams ay parang bumalik na sa normal ang lahat. Aral at minsan ay may practice pa rin kami. Nakakapagod mag-aral ngunit para sa pangarap, kakayanin.

Nagkaroon ng semestral at christmas break na siyang naging pahinga namin. Dumaan din ang birthday ko, ilang linggo pagkatapos ng bagong taon. Hindi 'yon alam ng mga kaibigan ko dahil ayaw ko namang ipaalam pero ano pa ba ang aasahan ko sa mga 'yon? Lahat na yata ay kanilang alam kaya sinupresa nila ako no'ng araw na iyon na hindi ko inaasahan. Napahawak tuloy ako sa kwintas na suot ko ngayon. Gold 'yon at may pendant na stethoscope.

Iyon 'yong regalo sa akin ni Harris.

Kaya naghintay ako ng ilang buwan para makabawi sa ibinigay niya. Noong sumapit ang birthday niya ay simpleng picnic ang naganap. Ako, si Calli, Alrin, Kuya at Matri ang imbitado no'n. Kaya naman bilang pagbawi, binigyan ko siya ng bracelet na panlalaki, ako mismo ang may gawa.

Napasibangot ako ng may maramdamang malamig sa labi ko. Tinignan ko kung ano 'yon. Ice cream na sinadyang ilapit sa bibig ko. Dahil doon ay napabalik ako sa reyalidad.

"Tigilan mo nga ang pagnguso. Tutukain ko 'yan," inis na sabi ni Harris.

Palagi ko naman yatang kasama 'to. Siya ang buntot ko na laging nakasunod sa akin. Katulad ngayon, bigla na lang siyang dumating sa bahay at sinundo kami ni mama para makuha ang aking card. Nakuha na niya ang sa kaniya kaya bakit siya nandito?

Kinuha ko na lang ang ice cream at saka pinalo siya. "Nakakaasar ka talaga e 'no. Bakit ka manunuka? Ano ka, bibe?" Inis kong tanong. Nakakagulat kasi, 'yung malalim akong nag-iisip tapos biglang may malamig na ididikit sa akin.

"Bibe mo," Ayan na naman siya sa hindi maipaliwanag na salita.

"Ha?"

Inis siyang tumabi sa akin. "Eto talaga kapag may sinasabi ako laging naka-ha. Hindi pa pwedeng isagot mo naman ay halaykyu?"

Mas nalukot ang aking mukha. "Harris parang awa mo na. Pagpahingahin mo ako kahit isang araw lang sa mga banat mo."

"Alam mo naman palang banat e. Bakit hindi ka kinikilig?" Kinain ko na lang ang binigay niyang ice cream. Mabuti at masarap, medyo lumalamig ang aking ulo na pinag-iinit niya.

"Bakit ako kikiligin?" Tanong ko sa kaniya.

"Kumain ka naman bakit palagi mo akong hindi maintindihan?" Doon ako natawa. Ang cute niya kasi kapag naiinis.

"Parang gusto ko na umatras ang araw, Angel." Biglang pagbabago niya ng topic at naging seryoso ang boses.

Nilingon ko siya. "Bakit naman?"

"Kasi 4th year highschool na 'ko sa susunod na buwan. Isang taon na lang tayo magkasama dito sa school," ramdam ko ang lungkot niya.

"Hindi ka ba pwedeng bumisita? May mga weekends pa naman," hindi siya nagsalita.

"Ay.. oo nga pala. Engineering student ka na no'n, masyado ka nang busy." Pati ako ay nalungkot sa katotohanan na 'yon.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon