Chapter 19

2.6K 83 7
                                    

XIX- Visitors

Raffa's POV

"Bakit ka ba kasi nandito? Huwag ka ng pumasok dito. Doon tayo sa karinderya, treat kita!" Pilit ang mga ngiti ko habang sinasabi 'yon kay Harris.

"Bakit tayo kakain sa karinderya kung pwede naman dito sa loob ng bahay niyo?" Kunot-noong sabi niya.

"Walang pagkain dito. Huwag mo na kasing ituloy 'yung balak mo, please?" Nakangusong pakiusap ko.

Ngayong umaga ay tumawag siya sa akin na nandito nga raw siya sa labas ng aming bahay para... magpaalam sa pamilya ko tungkol sa panliligaw daw niya sa akin.

Baka mapagalitan lang kaming parehas kapag ginawa niya 'yon kaya kailangan ko siyang pigilan sa balak niya.

Tinignan niya ako at ngumiti. "Sige,"

"Okay! Tara na doon sa karinderya. Huwag na dito sa bahay, baka mamay---"

"Sige 'ka ko, hindi na ako makikikain sa inyo pero papasok pa rin ako at magpapaalam sa pamilya mo. Saka ito oh, nagdala ako ng pagkain para sa kanilang lahat." Nakangiting sabi niya at itinaas pa ang plastic ng pagkain galing sa isang mamahaling restaurant.

"Harris naman e." Parang nauubusan na ako ng pag-asa. Desidido na talaga siya.

"Bakit ba kasi ayaw mo, e, hindi naman ikaw ang manghihingi ng permiso. Ako 'di ba ang kakausap sa kanila kaya chill ka lang d'yan." Ginulo pa niya ang aking buhok. Inalis ko naman ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko.

"Chill? Nababaliw ka ba? Magagalit si kuya kapag nalaman niya na nagpapaligaw ako sa kung sino!" Hindi ako naninigaw ng tao pero dahil sa sinabi niya ay mukhang malapit na akong mapasigaw.

"Pero hindi siya magagalit kapag ako ang manliligaw sa'yo. Kung magagalit siya, e, 'di patutunayan ko ang sarili ko sa kaniya. Any problem?" Nakangising tanong niya.

"Masyado pa.. kasi tayong bata para dito,"

Inakabayan niya ako. "Walang edad ang makakapigil sa kung ano man ang nararamdaman ko. Saka hindi na tayo bata, tumatanda na tayo, Angel." Natatawang sabi niya.

"Saka magtiwala ka sa akin. Hindi ikaw ang manliligaw, ako ang manliligaw sa'yo kaya huwag kang kabahan."

Sunod-sunod ba naman ang sinabi mo, ano pa ba ang laban ko?

Napailing na lang ako at binuksan na ang pinto para sa kaniya. Inalis din niya ang pagkaka-akbay sa akin at sinabayan na lang ako sa paglalakad.

Nadatnat niya sila mama, kuya at tita na nagkakape sa dining area. Sabay-sabay silang tumingin sa amin nang lumapit kami sa lamesa.

"Oh, ang aga naman yata ng bisita mo, Raffa. Good morning." Nakangiting bati ni tita kay Harris.

"Umupo kayo at samahan niyo kami sa pag-aalmusal." Aya ni mama na sinunod naman namin. Magkatabi kami ngayon sa upuan.

Kagabi ay halos hindi na ako makahinga dahil sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko nung umamin siya sa akin.. tapos ngayon ay mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Bakit ka nga ba napadalaw, b'ro?" Tanong ni kuya pagkatapos tumungga ng kape.

"Bakit naman ganiyan ang tanong mo, Rafael? Ayaw mo ba na nandito siya ha?" Saway ni mama kay kuya.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now